Home>Entertainment>Showbiz>Pirated copies ng MMFF entries nagkalat na

Pirated copies ng MMFF entries nagkalat na

Zanjoe Marudo and Nora Aunor

UMAARANGKADA na ang Metro Manila Film Festival 2020.

Sa kabila ng pandemya, hindi pa rin nagpapigil ang organizers ng taunang film festival. Sampung official entries ang pagpipilian ng mga moviegoer ngayong taon. At mapapanood ang mga pelikulang kalahok sa pamamagitan ng live streaming thru video-on-demand platform Upstream. Pero ngayon pa lang, balitang nagkalat na ang mga pirated copy ng mga pelikula. Kaya apektado na kaagad ang mga producer dahil dito. Pero umaasa pa rin na mababawi nila ang kanilang investments dahil worldwide ang streaming nito.

Sa totoo lang, magaganda ang mga pelikula. Kaya sulit ang ticket price na P 250.00 sa bawat pelikula. Dahil pwedeng manood ang buong pamilya sa isang bayaran lang. At isa sa mga pelikula na sulit panoorin ay ang Isa Pang Bahaghari sa direksyon ni Joel Lamangan. Hindi dahil sa pinagbibidahan ito ng nag-iisang Superstar na si Nora Aunor, kundi sa ganda ng kuwento nito. Given na ang matinding acting performance ni Ate Guy, maging sina Philip Salvador at Michael De Mesa. Lahat sila ay nominado for acting award. Pero ang malaking revelation sa pelikulang ito ay sina Zanjoe Marudo, Joseph Marco at Sanya Lopez. Mahusay ang kanilang pag-arte. Tagos sa puso ang kanilang pag-atake sa kani-kanilang karakter at pagbitaw ng kanilang mga linya. Napaarte ni Direk Joel ang mga ito. Pero sa tatlo, tanging si Zanjoe lang ang nominado para sa Best Supporting Actor.

Makati City Pabakuna

Walang duda na de-kalidad ang pelikulang Isa Pang Bahaghari. Pero bakit hindi man lang na-nominate si Direk Joel para sa kategoryang Best Director? Just asking…

Disclaimer:

Para sa komento o reaksyon, makipag-ugnayan lamang sa Just Asking thru 0905-558-4811 or email us at justasking_pj@yahoo.com

Publication Source :    People's Journal