Home>Editorial>Miscellaneous>Pitmaster Foundation dadalhin free dialysis sa liblib na lugar

Pitmaster Foundation dadalhin free dialysis sa liblib na lugar

Martin Diño
Si DILG Usec Martin Diño at si Pitmaster Foundation Exec. Dir. Caroline Cruz.

HINDI na puproblemahin pa ng mga taong may sakit sa bato at mula sa malalayong probinsiya at mga liblib na mga barangay kung saan sila kukuha ng pambayad para magpa-dialysis.

Nagpirmahan ng memorandum of agreement ang Department of the Interior and Local Government (DILG) at ang Pitmaster Foundation Inc. para sa isang kasunduan na ipagbibigay-alam ng DILG sa bawat barangay ang libreng dialysis treatment na handog ng nasabing foundation.

Ito po ay commitment ng aming grupo na tumulong sa mga kababayan natin na hindi kayang magpa-dialysis dahil sa kahirapan,” ayon kay Pitmaster Foundation Executive Dir. Caroline Cruz.

Makati City Pabakuna

It is part of our social responsibility and at the same time our small contribution to the government in helping those who need medical care,” dagdag pa ni Atty. Cruz.

Kami po ay nagpapasalamat ngayon pa lang sa Pitmaster sa tulong na ito para sa mga kababayan natin na mahihirap,” ayon naman kay DILG Undersecretary for Barangay Affairs Martin Diño.

Irerekomenda ng mga local government units ang mga magpapa-dialysis sa pinakamalapit na dialysis center sa kanilang lugar na kapartner ng Pitmaster.