Home>News>Miscellaneous>Police General sa 2022 P6.7-B drug operation, sumuko, pinalaya
Miscellaneous

Police General sa 2022 P6.7-B drug operation, sumuko, pinalaya

MAKARAANG sumuko sa Philippine-national Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG), mabilis ding nakalaya ang Police General na diumano ay dawit sa kontrobersyal na P6.7-B drug operation sa Tondo, Maynila taong 2022.

Ito ay matapos na ipag-utos ng Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 44 ang pagpapalaya kay dating Philippine National Police (PNP) Deputy Chief for Operations Lt. Gen. Benjamin Santos, Jr.

Ayon sa ulat, alas- 4:48 ng umaga nitong Martes ay sumuko si Santos sa PNP-CIDG. Doon ay binasahan siya ng kanyang warrant of arrest at dumaan sa normal booking procedures.

Matapos na makapaglagak ng P200,000 piyansa alas- 9:12 ng umaga ay pinalaya na rin agad ang heneral mula sa kustodiya ng CIDG, batay sa release order na inilabas ng RTC Manila Branch 44.

Ayon sa order na pirmado ni Judge Gwyn Calina, pinalaya ang dating heneral na nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Itchie G. Cabayan
DIRECT HIT entertains comments, suggestions or complaints. Please have them emailed to [email protected] or text 0917-3132168.