Home>Editorial>Opinion>‘Political ambition during COVID season?’

‘Political ambition during COVID season?’

BAGO ang lahat, sinserong pakikiramay sa pamilya at mga kaibigan ng mga nabiktima ng COVID-19, partikular sa hanay ng media.

Nakalulungkot isipin na kung kailan ‘andyan na ang bakuna at kung kailan natapos “bunuin” ng mga Pinoy ang “pasakit” at “pahirap” na dulot ng pandemya noong isang taon, tila mas marami ang naging biktima ngayon at ang iba pa nga ay mga kasamahan natin sa industriya.

Sadyang naging kulang pa— hanggang ngayon— ang naging paghahanda natin, partikular na ang gobyerno na ang ibang mga opisyales, katulad d’yan sa DOH/FDA, eh, masyado nang “nahahalata” na kung hindi na alam ang ginagawa, ang ibang aksyon at desisyon ay nakabatay sa kanilang pansariling interes at mga amo nila sa ‘Big Pharma.’

Ang iba naman? Aba’y nagpipilit “magpabango” sa publiko dahil may pandemya man o wala, “tuloy” ang eleksyon sa 2022, yeheyy!

Sa bagay na ito, umaani ngayon ng batikos si DILG undersecretary Epimaco Densing II, matapos niyang sabihin na may ‘show cause order’ ang ilang alkalde hinggil sa kanilang pagpapabakuna na aniya pa ay “labag” sa inilabas na ‘schedule’ ng gobyerno.

Sa kanyang katwiran, masasabing malakas, ehek, malaki ang “amats,” agh, ang tama ni Usec. Densing, anang mga miron dahil sa ating pagkaalam, nasa huling ‘schedule’ ang mga LGU officials sa mga dapat mabakunahan.

Sa ulat, “pinagpapaliwanag” sina mayors, Alfred Romualdez, Tacloban; Dibu Tuan, T’boli, South Cotabato; Sulpicio Villalobos, Sto. Nino, South Cotabato; Noel Rosal, Legazpi, Albay; at, Abraham Iba, Batarraza, Palawan.

Oops! Hindi pa nakuntento, “inihabol” pa ni Usec. Densing si Paranaque City Mayor Edwin Olivarez.

Sa ulat pa rin, kailangang magpaliwanag ang naunang limang mayor dahil nga nakasama sila sa mga naunang nagpabakuna habang si Mayor Edwin naman— na hindi nagpabakuna— ay tila idadawit sa kasong ‘command responsibility’ matapos mabakunahan ang kanyang ‘constituent,’ ang aktor na si Mark Anthony Fernandez, anak ni Rudy ‘Daboy’ Fernandez (sumalangit nawa).

***

Dito ngayon naging “TH” (tamang hinala) ang mga miron, dear readers, hinggil sa “sinseridad” ni Usec. Densing.

Punto kasi ng mga miron, ang pagkuwestyon sa mga aksyon ng LGUs ay “dapat” nasa tanggapan ni DILG undersecretary for local government, Marivel Sacendoncillo. Kumbaga, mistulang anilang “dinukwang,” ehek, “sinapawan” ni Usec. Epi ang trabaho ni Usec. Marivel. Hmm.

Para saan at “pumapel” si Usec. Epi sa isyu, eh, para saan nga ba? He he.

Para ba masabing ‘action man’ siya ganun kaya yun? Hmm.

Makati City Pabakuna

Marami rin ang tumaas ang kilay sa “pagsisingit” ng pangalan ni Mayor Edwin sa ‘Densing List’ kahit walang kongkretong batayan.

Bakit kanyo?

Una nga kasi, nasa ‘substitute list’ naman pala ng Paranaque City si Mark Anthony, na isang ‘comorbid.’ Translation? Kung hindi matuturukan ang nasa listahan, puwedeng iturok ang bakuna sa nasa ‘substitute list’ para naman hindi “masayang.” Eh, ano ang sablay dun?

Ayon pa kay Dra. Olga Virtucio, Paranaque City Health Officer, natapos nilang bakunahan ang lahat ng kanilang healthcare workers na nagparehistro para magpabakuna at sinimulan ang mga kasunod sa listahan na mga senior citizen, mga mayroong comorbidity at mga persons with disabilties (PWD).

Aniya pa, kabilang ang aktor sa mga mayroong comorbidity dahil dumaan ito sa mga pagsusuri bago naaprubahan at maisama sa mga nasa quick substitution list (QSL) na iniatas din ng DoH. Nabakunahan daw ang aktor dahil na rin mayroong hindi nakapasa sa kanilang final list.

At si Mayor Edwin daw kasi ang ‘nag-aprub’ sa pagbabakuna kay Mark Anthony at dalawa pang residente kaya “sabit” sa ‘command responsibility’ si yorme. Eh, hindi kaya… “opinyon” lang ito ni Usec. Epi?

‘Yun bang pagsunod sa ‘order of priority’ ng mga nagbabakuna kailangan pang desisyunan ng mayor na sandamakmak na ang problema at ginagawa?

Ang pangatlo at “hebigat” na dahilan na nasisilip ng mga miron ay ito dear readers: Si Usec. Epimaco Densing pala ang tinalo ni Mayor Edwin bilang kongresista noong 2010 elections!

Lumalabas tuloy na “sinilipan lang ng butas” ni Usec. Epi si Yorme Edwin gamit si Mark Anthony para lang “gibain” ang kanyang kalaban sa pulitika?

Hindi ba pamumulitika na yan Usec. Densing para sa darating na halalan?

Kahit nga sa iba pang mayor na idinadawit ni Usec. ay mukhang di rin tatayo ang asuntong administrative charges na sinasabi nito. Halata ding umeepal lang siya.

Alam kaya kasi ni Usec. Epi na sa kaso ni Mayor Noel Rosal ng Legazpi City, na ang pagkasama ng pangalan niya ay aprubado ng DOH? At “tumaas” pa nga raw sa 89 porsiyento ang bilang ng kanyang mga kababayan na gustong magpabakuna matapos niyang ipakita na ang bakuna ay ligtas at epektibo.

Dapat kasi, sa paggampan sa tungkulin, hindi “pinaghahalo” ni Usec. Epi ang kanyang responsibilidad bilang ‘public servant’ at ang kanyang personal na interes.

Para hindi siya “nalilito,” hehehe.

Publication Source :    People's Tonight