Home>News>Posibleng ‘whitewash’ sa flood control scam probe, ibinabala ng mga obispo
News

Posibleng ‘whitewash’ sa flood control scam probe, ibinabala ng mga obispo

CBCP Logo

HINIHIKAYAT ng maimpluwensiyang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang mga mambabatas at Malacañang na pahintulutan ang Independent Commission on Infrastructure (ICI) na isagawa ang kanilang pagsisiyasat nang ‘thoroughly,’ ‘transparently,’ at walang anumang takot o pabor.

Kasabay niyan ay nagbabala ang mga obispo ng Simbahang Katoliko laban sa anila ay posibleng ‘whitewash’ sa imbestigasyong isinasagawa hinggil sa maanomalyang flood control projects.

“We strongly oppose any attempt to preempt or derail the investigation through backroom deals, leadership takeovers, or selective justice,” ayon pa sa mga obispo.

Ayon sa CBCP, ang anumang hakbang na palitan ang pamunuan ng Senado o di kaya ay i-redirect ang pagsisiyasat ay lalo lamang na makagpapataas na hinala ng publiko na magkakaroon dito ng ‘cover-up.’

“A nation cannot heal when its moral arteries are clogged by corruption and self-interest,” dagdag pa nito, kasabay ng panawagan sa lahat ng public officials na itaguyod ang integridad ng pagsisiyasat.

Binigyang-diin nito na ang ICI ay binuo upang ibalik ang tiwala ng mga mamamayan at nararapat lamang na mabigyan ito ng kapangyarihan na makapag-imbestiga ng buo at malaya at walang anumang political interference o pakikialam mula sa alinmang sangay ng pamahalaan.

Hiling rin ng mga obispo ang ‘transparency’ sa proceedings at findings ng ICI, access sa mga dokumento at mga testigo, full disclosure ng budget insertion, at proteksiyon para sa mga whistleblowers at technical personnel na lumutang ‘in good faith.’

“No to a whitewash. Yes to full accountability. Only through truth can our nation begin to rebuild trust and ensure that flood control no longer becomes another flood of corruption.” ayon pa sa CBCP.

Anito, ang nasabing pagsisiyasat ay isang “defining moment for public accountability,” kaya’t hinikayat ng mga obispo ang Kongreso at Palasyo ng Malakanyang na patunayan na sila ay nagsisibli para sa ‘common good’ at hindi para sa ‘partisan power.’

“The Filipino people are watching closely,” paniniyak pa ng CBCP.

Inilabas ang naturang pahayag ng mga obispo bago ang paglulunsad ng National Day of Prayer and Public Repentance, ngayong Martes, Oktubre 7, sa gitna ng bumabalot na isyu ng korapsiyon sa bansa, kung saan hiinikayat nila ang mga Parokya, chapel, paaralan, pamilya at church organizations na lumahok sa naturang aktibidad, na idaraos kasabay ng kapistahan ng Our Lady of the Holy Rosary.

Itchie G. Cabayan
DIRECT HIT entertains comments, suggestions or complaints. Please have them emailed to [email protected] or text 0917-3132168.