Home>News>Provincial>Rank 2 Most Wanted ng CALABARZON arestado sa kasong Kidnapping
Provincial

Rank 2 Most Wanted ng CALABARZON arestado sa kasong Kidnapping

Rank 2 Most Wanted ng CALABARZON

Camp BGen Paciano Rizal, Sta Cruz, Laguna – Arestado ang rank no. 2 most wanted person sa CALABARZON sa ikinasang manhunt operation ng San Pedro PNP kahapon Marso 26, 2024.

Kinilala ni Laguna Police Provincial Director PCOL GAUVIN MEL Y UNOS ang akusado na si alyas Michael residente ng San Pedro City, Laguna.

Sa ulat ni PLTCOL TYRONE DG VALENZONA, hepe ng San Pedro Component City Police Station, nagkasa ang kanilang warrant personnel ng manhunt operation kahapon Marso 26, 2024 sa ganap na 8:00 ng gabi sa Brgy. San Vicente, San Pedro City, Laguna.

Ikinasa ang manhunt operation sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Regional Trial Court Branch 170, San Pedro City, Laguna, na nagresulta sa pagkakaaresto ni alyas Michael na nahaharap sa kasong kidnapping na walang nirerekomendang pyansa.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng San Pedro CCPS ang arestadong akusado habang ang korteng pinagmulan ng warrant ay iimpormahan sa pagkakaaresto nito.

Sa pahayag ni PCOL UNOS “Sa masigasig at pursigidong pagtatrabaho na ating kapulisan ay nagiging matagumpay ang ganitong Police Operation at aming ipagpapatuloy ito hanggan meron pang nagtatago sa batas para mabigyan hustisya ang kanilang mga nabiktima. #gtgtalampas

Journal Online
A collection of noteworthy information on various topics from the Philippines and the rest of the world.
https://journal.com.ph