Home>Entertainment>Showbiz>Rape victim pinabulaanan ang bintang laban sa aktor

Rape victim pinabulaanan ang bintang laban sa aktor

Dennis da Silva
Dennis da Silva
Dennis da Silva

DUMULOG sa programa ng veteran radio-TV journalist na si Raffy Tulfo ang dating stepdaughter ng nakakulong na na actor (dating “That’s Entertainment” member at isa rin noon sa mga contract stars ng Regal Films) na si Dennis da Silva na si Kadean Paz para sabihin na inosente umano ang (dating) actor sa rape case na ibinintang sa kanya at dahilan ng kanyang pagkakakulong na 19 years na niya ngayong pinaghihirapan.

Ayon sa salaysay ni Kadean, she was 14 noon nang kasuhan si Dennis ng rape case ng nakatatandang kapatid nito kasama ang DSWD . Napilitan umano siya noon ng magbigay ng testimonya laban sa actor dahil ilalayo umano siya sa kanyang anak (kay Dennis) dahil sa pressure at binantaan din umano siyang makukulong siya.

Inamin ni Kadean na nagkaroon sila ng relasyon ni Dennis pero hindi umano siya ni-rape nito.

Ayon kay Kadean, matagal na umano siyang nakokonsensiya kaya siya humingi ng tulong kay Raffy.

Ayon naman sa legal counsel ng program ni Raffy na si Atty. Garreth Tungol, hindi na puwedeng muling buksan ang rape case ni Dennis dahil nabigyan na ito ng verdict ng korte at sarado na umano ang kaso. Ang tanging solusyon na lamang ay mabigyan ito ng presidential pardon ni Pangulong Rodrigo Duterde.

Dahil sa maling paratang, magda-dalawang dekada nang nakakulong ang (dating) actor at tuluyan na ring nasira ang showbiz career nito.

Si Dennis ay nasentensyahan ng reclusion perpetua (life sentence) ng Regional Trial Court of Pasig dahil sa rape case and child abuse na ibinintang sa kanya bukod pa sa civil indemnity, moral and exemplary damages na nagkakahalaga ng mahigit P4-M na mahirap ma-raise ng nakakulong na (dating) actor.

Si Dennis ay nagkaroon ng relasyon noon sa ina ni Kadean na eventually ay nagkaroon din ng relasyon sa anak nito.

Benj at Lovely ikinasal na

Benj Manalo and Lovely Abella
Benj Manalo and Lovely Abella

IKINASAL last Saturday, January 23 ang engaged couple na sina Benj Manalo at Lovely Abella na ginanap sa Lemuria Gourmet Restaurant in Horseshoe Village in Quezon City.

Si Benz ay isa sa talents ng Viva Artists Agency (VAA) at anak ng comedian and TV host na si Jose Manalo habang si Lovely ay Kapuso actress-comedienne at entrepreneur.

Si Benz ay dalawang beses nag-propose kay Lovely: una nung nakaraang June 19 sa isang kunwaring video shoot kung saan may special `guest appearance’ ang actress-comedienne. Second proposal ni Benj sa kanyang partner of almost six years ay nung nakaraang New Year’s day, January 1, 2021. Hindi lamang kay Lovely nag-propose si Benj kundi sa 12-year-old daughter ni Lovely (sa dating karelasyon) na si Crisha Kaye Coja.

Makati City Pabakuna

Sina Benj at Lovely ay second celebrity couple to get married this month. Nauna sa kanila ang Kapuso actor na si Rocco Nacino at professional volleyball player na si Melissa Gohing last Thursday, January 21 na ginanap on board ng isang Philippine Navy ship.

Sa kabila na nasa gitna ang lahat ng pandemya, hindi ito naging hadlang sa pagpapakasal ng dalawang couple.

Mimiyuuuh magkakaroon ng clothing line

YOUTUBE sensation and celebrity endorser Mimiyuuuh (who is Jeremy Sancebuche in real life) plans to put up his own fashion line within the year. Isa ito sa mga pangarap na gusto niyang gawin at magamit na rin ang kanyang tinapos, Fashion Design sa De la Salle – College of St. Benilde.

Si Mimiyuuuh (24)ang pinakabagong celebrity endorser ng isang popular online shopping app kasama ang Kapamilya superstar na si Kathryn Bernardo.

Anne stays with ‘It’s Showtime’ to the end

Anne Curtis, Erwan Heussaff and Dahlia Amelie
Anne Curtis, Erwan Heussaff and Dahlia Amelie

MAHIGIT isang taon na ring hindi napapanood sa popular noontime show ng Kapamilya network, ang “It’s Showtime” kung saan isa siya sa mga original hosts along with Vice Ganda, Vhong Navarro at iba pa.

Anne took her maternity leave of absence sa programa nung December 2019 to give birth to her and husband Erwan Heussaff’s first baby na si Dahlia Amelie sa Melbourne, Australia nung March 2, 2020. Gusto na sanang bumalik ng Pilipinas si Anne and her family as early as last year pero na-extend ang kanilang stay in Australia dahil sa pandemya at travel restrictions. While in Australia ay sobrang ini-enjoy ng actress-host and celebrity endorser ang kanyang mommy duties sa kanilang ten-month old daughter.

Dahlia Amelie turns one year this coming March 2 at hindi pa alam ng mag-asawang Anne at Erwan kung ito’y sa Pilipinas na magaganap.

Ang pangalang Dahlia ay hango sa character ni Anne sa kanyang first movie in 1997, ang Princess Dahlia sa pelikulang “Magic Kingdom” na dinirek ng yumaong megman na si Peque Gallaga mula sa screenplay ni Erik Matti.

Samantala, in her Twitter account ay pinost ng actress-host na mananatili umano siya sa “It’s Showtime” up to the very end. She will immediately return to the program kapag nakabalik na sila ng Pilipinas with her family. May mga projects na ring naghihintay sa kanyang ang kanyang home studio, ang Viva along with some endorsements na kailangan niyang harapin.

Subscribe, like, share and hit the bell button of “TicTalk with Aster Amoyo” on YouTube, follow me on Instagram and Facebook:@asterAmoyo and Twitter:@aster_amoyo.

Publication Source :    People's Journal
Aster Amoyo
Talent manager, TV host, vlogger