Home>News>Provincial>Reservist Symposium Ikinasa sa Northern Luzon
Provincial

Reservist Symposium Ikinasa sa Northern Luzon

Reservist Symposium

TARLAC – Inilunsad ang kauna-unahang Reservist Symposium para sa mga Reservist Officers at Enlisted Personnel na sakop ng Northern Luzon Command na ginanap sa Cordillera Hall, NOLCOM, Camp Aquino San Miguel, Tarlac City noong ika-6 ng Agosto 2022.

Umabot sa halos 80 ang dumalo sa isang araw na pagpupulong ng mga Reservist Officers and Reservist Enlisted Personnel mula sa iba’t ibang Ready Reserve Units (RRUs), AFP Affiliated Reserve Unit (AFPARU) at Affiliated Reserve Units (ARUs) habang ang ilan naman ay nakiisa sa pamamagitan ng video teleconferencing.

Sa nangyaring symposium ay nabigyan ng pagkakataon ang mga kalahok na malaman ang kasalukuyang mga patakaran at direktiba tungkol sa Reserve Force Development Program (RDF) gayundin ang layunin nitong magtatag ng matibay na operasyon sa pamamagitan ng paraan ng pagsusuri ng kanilang kahandaang magbigay ng suporta sa regular na puwersa upang matupad ang kanilang mga mandato.

Sa isang panayam sinabi ni LTC NUR-GAJIR J SAHA Philippine Air Force Reserve Executive Officer ng 2nd Air Reserve Center, AFRC na ang aktibidad ay hindi lamang magbibigay ng kaalaman at magpapatibay sa samahan ng mga reservist kundi mas mapapalakas pa nito ang misyon na mas pag ibayuhin ang pwersa ng Sandatahang Lakas.

“We are here today for the symposium on Ready Reserve Force Development. The function or mission of this symposium is to enhance the camaraderie and interchange ideas or share the expertise and relatedly it will also empower the knowledge of our reservist in Northern Luzon Command on what is the current trust of the Armed forces of the Philippines because of all we know that the ready reserve force is the force multiplier of the AFP wherein they are tasked to support the regular force not only in times of emergency but particularly in times of war.”

Kaugnay nito, nagpahayag ng mensahe ng panghihikayat si MAJ JOSEPHINE L TAN (QMS) PA ang Deputy Commander ng Retirees And Reservists Affairs sa iba pang mga kababayan na nais maging parte ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas.

Reservist Symposium

“Sa lahat ng mga kababayan natin dito sa area ng Northern Luzon, we encourage everyone na kung qualified lang naman kayo, magjoin kayo, mag inquire kayo sating mga Reserve Unit administrators para matulungan kayo kung paano kayo magjoin sa ating reservist organization para makatulong tayo sa community. Sama-sama tayong magbigay ng magandang ideas at magtulungan tayo kung pano natin mapaganda an gating pamayanan para sa seguridad ng ating bansa.”

Gayundin, sinabi ni LTC ROMAE R DE ASIS PA RES Battalion Commander ng 105TH RRIBN 1RCDG Reserve Command ang kahalagahan ng pagpapanukala ng Mandatory ROTC sa mga kabataan upang tulungan silang mas bigyang pagpapahalaga ang pagmamahal para sa bayan.

“We need to support the ROTC especially in the implementation of the Mandatory ROTC because our youth today have already different focus. They are losing their patriotism and their nationalism and they are already being influenced by the youth of other country. The Mandatory ROTC implements discipline, obedience, love of country, survival which in terms of calamities they can be utilize in the humanitarian and disaster risk response. This is very critical to the knowledge of the youth especially in terms of first aid, water safety which the youth does not know really now. I think it’s high time that the Mandatory ROTC should be returned by law or even by executive order and schools anyway will fully support that.”

Samantala, layunin ng aktibidad na mapagtibay ang pagkakaisa, mapalago ang mga kaalaman at bigyang-diin ang kahalagahan ng papel ng mga reservists bilang kaisa sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa bansa.

Sa kasalukuyan ay malaki ang naging papel na ginampanan ng mga reservists sa nangyaring sakuna na nagdulot ng malaking pinsala sa properdad at buhay ng mga taga-Abra at Ilocos Sur.

Journal Online
A collection of noteworthy information on various topics from the Philippines and the rest of the world.
https://journal.com.ph