Home>Entertainment>Showbiz>Robin at pamilya nagluluksa sa pagyao ni Royette

Robin at pamilya nagluluksa sa pagyao ni Royette

Royette Padilla
Royette Padilla

NAGLULUKSA ngayon ang pamilya ng action superstar na si Robin Padilla dahil sa maagang pagyao ng kanilang nakatatandang kapatid, ang actor na si Royette Padilla nung umaga ng Sabado, January 9 dahil sa atake sa puso. He was 58.

Royette Padilla
Royette Padilla

Ang isa sa mga kapatid nina Robin, Rommel, BB Gandanghari (Rustom Padilla) na si Rebecca Padilla ang nag-post sa kanyang FB account sa pagpanaw ng kapatid, nine months apart sa kanyang namayapang misis na si Jane Seryll na sumakabilang-buhay naman nung nakaraang April 23, 2020 dahil sa brain cancer.

Nung bisperas ng Pasko (December 24) ay masaya pang nag-post ng picture si Royette sa kanyang FB account kasama ang kanyang ina na si Mommy Eva Carino na kagagaling lang din sa sakit. Huli na pala niyang post `yun.

Si Royette ay nakagawa ito ng ilang pelikula na pawang pinagbibidahan ng kanyang nakababatang kapatid na si Robin. Kasama rito ang “The Marita Gonzaga Rape-Slay,” “Mistah,” “Eto Na Naman Ako,” “Buhay Kamao,” “Alab ng Lahi” at iba pa.

Dumaan din sa ilang kontrobersiya si Royette.

Hindi pa malinaw kung makakauwi dahil sa travel restrictions ang isa sa mga nakababatang kapatid ng yumao na si BB Gandanghari (Rustom) na matagal nang naka-base sa Amerika.

Ang iba pang mga kapatid ni Royette ay sina Casimiro, Ricarte, Rema, Rowena, Roda, Razel at iba pa.

Mga bagong project ng Viva aalagwa na

NAGTAPOS na nung December 26, 2020 ang kauna-unahang season ng local franchise ng “Masked Singer Pilipinas” kung saan ang singer na si Daryl Ong ang nanalo. Isa sa mga premyong nakuha ng singer ay bagong recording contract with Viva Records.

Simula naman sa darating na January 30, araw din ng Sabado at 7 p.m. (dating time slot ng “Masked Singer Pilipinas”) ay magsisimula ang bagong reality singing competition ng Viva TV, ang “Born To Be A Star” to be hosted by Matteo Guidicelli at Kim Molina, dalawa sa mga tumayong judge ng “Masked Singer Pilipinas”. Kasama naman sa mga tatayong hurado ng “Born To Be A Star” ay sina Andrew E., Sam Concepcion, Teacher Georcelle, Janine Tenoso at Katrina Velarde habang tatayo namang mentor si Mark Bautista, Wency Cornejo at isa pa. Ito’y mapapanood sa TV5.

Ayon sa big boss ng Viva na si Boss Vic del Rosario, marami umano silang ongoing projects sa kabila ng pandemya.

Sa darating na January 29 (Friday) ay opisyal nang ilu-launch ang Vivamax streaming ng kumpanya at ang kauna-unahang pelikula na ipalalabas ay ang comedy movie na “Paglaki Ko Gusto Ko Maging #Pornstar” kung saan mga tampok na bituin ang dating sexy stars na sina Alma Moreno, Rosanna Roces, Ara Mina at Maui Taylor. Ito’y mula sa panulat at direksiyon ni Daryl Yap, ang writer-director ng hit launching movie ni Kim Molina na “Jowable”. Sa loob lamang ng 24 hours ay humamig na ng 5-M views ang trailer ng “Paglaki Ko.”

Paglaki Ko Gusto Ko Maging Pornstar
Alma Moreno

Ayon kay Boss Vic, meron na umano silang 300 titles na nakatakdang ipalabas sa Vivamax, ang sariling streaming platfom ng kumpanya kung saan nakatakdang ipalabas ang all-Filipino titles ng mga pelikula, TV series and live concerts content.

Dapat sana’y nung isang taon pa ito nakatakdang i-launch pero nagkaroon ng delay dahil sa pandemya but all systems go na umano simula sa January 29.

Makati City Pabakuna

Dahil sa Vivamax, hindi na mapapanood sa Netflix ang mga pelikula ng Viva.

Sa kabila na hindi pa bukas ang mga sinehan, in full swing pa rin ang paggawa ng Viva ng pelikula at TV series for their own content.

One hundred forty-nine pesos lamang ang buwanang subscription fee sa Vivamax na puwedeng i-share sa tatlong magkakahiwalay na tao o di kaya ng buong pamilya.

Nakatakda ring magkaroon ng isang drama series si Julia Barretto na mapapanood sa Singko bukod pa sa local-remake ng Korean TV series na “Encounter” na ipinalabas sa South Korea nung from November 2018 to January 2019.

Malapit na rin matapos ang filming ng local movie adaptation ng Korean erotic-thriller film na “The Housemaid” na siyang launching movie ng 2016 Miss International na si Kylie Verzosa. Tampok din sa nasabing pelikula sina Jaclyn Jose, Albert Martinez, Alma Moreno, Louise de Los Reyes at iba pa mula sa direksiyon ng “Adan” director na si Roman Perez.

Co-producer din ang Viva ng Spring Films sa reunion movie nina Alessandra de Rossi at Empoy Marquez, ang “Walang Ka-Paris” na pinamamahalaan pa rin ng “Kita Kita” director na si Sigrid Andrea Bernardo.

Kung ang ABS-CBN ay may Star Magic at GMA Artists Center naman meron ang GMA, ang Viva ay may sarili ring talent magement arm, ang Viva Artists Agency at nasa kanilang bakuran ang maraming stars and talents kung saan kasama sina Sarah Geronimo, Matteo Guidicelli, Anne Curtis, Xian Lim, Cristine Reyes, Julia Barretto, Ryza Cenon, Billy Crawford, Marco Gumabao, McCoy de Leon, Marco Gallo, Kim Molina, Mark Bautista, Louise de los Reyes, Janno Gibbs, Xia Vigor, Yam Concepcion, Gardo Versoza, Patricia Javier, Jerald Napoles, Benz Manalo, Sam Concepcion at marami pang iba.

Ang Viva rin ang may hawak ng movie contracts nina Vice Ganda, Aga Mulach at Lovi Poe.

Ang maganda sa Viva, bukas ang kanilang alyansa sa iba’t ibang TV networks tulad ng ABS-CBN, GMA at TV5.

Disney naghahanap ng isang Filipina grandmother

NAGHAHANAP ang The Walt Disney Company sa pamamagitan ng Sarah Finn Casting ng isang Filipina or Filipina-American grandmother between 50 to 90 years old na gaganap sa isang upcoming Disney movie na nakatakdang simulan next month in Atlanta, Georgia, USA.

Ang award-winning veteran actress na si Gina Pareno ay isa sa mga interesadong mag-audition for the role. Tiyak na hindi naman magpapabaya ang mga veteran actresses na sa Amerika na naka-base tulad nina Hilda Koronel, Edna Diaz, Trixia Gomez, Stella Suarez at iba pa. Pasok din sa age requirement si Princess Punzalan at 52 at Anjanette Abayari (50) maging ang mag-inang Gloria Sevilla (88) at Suzette Ranillo (59).

Ang mga intererado ay kailangan lamang mag-submit ng short video introducing themselves at kuwento tungkol sa kanilang pamilya at paboritong activity.

Subscribe, like, share and press the bell button of “TicTalk with Aster Amoyo” on YouTube and follow me on Instagram and Facebook:@asteramoyo and Twitter:@aster_amoyo

Publication Source :    People's Journal
Aster Amoyo
Talent manager, TV host, vlogger