Home>News>Provincial>Sakit sa baboy lumobo sa Laguna

Sakit sa baboy lumobo sa Laguna

Swine Flu

PATULOY sa pagdami ang kaso ng African Swine Flu (ASF) bukod sa COVID-19 sa Laguna.

Ito ay base sa ipinalabas na ulat ni Provincial Veterinary Officer Dra. Grace Bustamante.

Umaabot  sa halos sa siyam na bayan ang apektado na kinabibilangan ng lungsod ng Calamba, Los Banos, Calauan, Nagcarlan, Liliw, Victoria, Pakil, Pangil at Famy.

Sa ngayon ay  may ilang bayan pa rin ang naitalang may namatay  na mga baboy. Patuloy pa rin itong iniimbestigahan.

Dahil dito  may posibilidad na lumobo pa ang  mga kaso, ayon kay Bustamante.

Makati City Pabakuna

Hinala umano nito na ang mga langaw ang may bitbit na virus kaya patuloy na dumarami ang kaso ng ASF sa Laguna.

Kahalintulad  din aniya ito ng COVID-19  kung paano ito kumalat at makahawa.

Ang kanyang rekomendasyon sa lahat ng mga apektadong lugar ay mag-pest control at pansamantala munang ihinto ang pag-aalaga ng baboy.

Kaugnay nito, pinulong ni Sta. Maria Municipal Mayor at kasalukuyang Bise Presidente ng Liga ng mga Punongbayan na si Atty. Cindy Carolino ang mga miyembro ng kanilang samahan sa ika-apat na distrito ng Laguna upang agarang maglatag ng preventive measures laban sa patuloy na pagkalat ng sakit ng baboy na ASF.

Tinututukan din aniya ng mga ito ang pagbebenta sa mga palengke ng bocha o ang double kill na karneng baboy para hindi na makapinsala pa sa mga mamimili.

Publication Source :    People's Tonight