Home>News>Metro>Sanggol pinagpistahan ng langgam, daga sa QC

Sanggol pinagpistahan ng langgam, daga sa QC

KALUNOS-LUNOS ang sinapit ng isang bagong silang na sanggol na lalaki na natagpuang wala ng buhay makaraang pagpistahan ng mga langgam at daga matapos abandonahin ng ina sa tambakan ng basura sa Quezon City, nitong Lunes ng umaga.

Sa report ni PSSg. Alvin Quisumbing, ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), bandang 11 a.m. (March 29), nang matagpuan ang bagong silang na sanggol sa basurahan sa Freedom Park St., Brgy. Batasan Hills, QC.

Batay sa pahayag ni Aldo Volante, garbage collector, ng Visayas St., Payatas B, abala umano siya sa paghahakot ng basura nang bumulaga sa kaniya ang sanggol na nakapaloob sa isang kahon na inabandona sa tambakan sa nasabing lugar.

Agad na nireport ni Volante sa purok leader na si Fe Delfin, ng Freedom Park, at naisugod pa sa Maclang Bautista Hospital ang sanggol subalit idineklara itong dead on arrival, ayon kay Dr Lara Rellora.

Makati City Pabakuna

Masusi pang nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga awtoridad kung sino ang ina na nag-abandona sa nasabing sanggol.

Samantala, nag-alok naman ng P25, 000 si Duterte Youth Patrylist Cong. Ducielle Marie S. Cardema sa sinumang makapagtuturo sa ina ng inabandonang sanggol sa tambakan.

Walang kwentang magulang, ubod ng iresponsable, walang pakialam kung mamatay ang sanggol sa kagat ng mga langgam o daga. Walang awang mga magulang…we are offering P25,000 to anybody here in Brgy. Batasan who can locate the iresponsible parents of the newborn baby and we will also file a measure penalizing such irresponsible parents in our country,” pahayag ng kongresista.

Publication Source :    People's Tonight