Home>News>Provincial>Sec. Ynares: Ayuda sa Taal Volcano evacuees agad ibigay

Sec. Ynares: Ayuda sa Taal Volcano evacuees agad ibigay

HINIKAYAT ng bagong talagang Presidential Adviser for Southern Tagalog Casimiro “Ito” Ynares Jr., ang mga residente sa paligid ng Bulkang Taal na sumunod o magkusa nang mag-evacuate, kasabay ng mga naitatalang sunod-sunod na pagyanig sa paligid nito.

Sundin po natin ang mga pre-emptive evacuation. Mas mahalaga ang buhay kaysa sa ari-arian. Ang mga gamit maaring muling ipundar. Ang buhay, iisa lang,” apila ni Secretary Ynares.

Kasabay nito, sinabi ni Secretary Ynares na nakahanda naman ang mga lokal na pamahalaan ng mga maapektuhang residente na umayuda sa kanilang pangangailangan.

Magtiwala tayo sa ating mga LGUs. Hindi kayo pababayaan. Pinaghanda na din ni Pangulong Duterte ang iba’t-ibang ahensya ng national government,” dagdag ni Sec. Ynares.

Makati City Pabakuna

Ginawa ni Sec. Ynares ang pahayag, kasunod ng pahayag ng Batangas LGU na may ilang residente na nakatira sa paanan ng Taal Volcano ang bumabalik sa kanilang bahay sa permanent danger zone para asikasuhin ang kanilang pang-hanapbuhay at ari-arian.

Naunang sinabi ng munisipalidad ng Agoncillo, Batangas na handa na sila sa possible evacuation kung mas tataas ang ipinapakitang aktibidad sa Taal Volcano.

Nasa 60 mga residente na ang paunang inilikas sa Taal Volcano Island sa tulong ng Philippine Coast Guard, Bureau of Fire Protection, Philippine National Police at Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office.

Dinala sila sa evacuation center sa Talisay, Batangas.