Home>News>Provincial>STI Cotabato City, nag-donate ng Mobile Bus na may 24 na units ng Computer Desktop sa 6ID
Provincial

STI Cotabato City, nag-donate ng Mobile Bus na may 24 na units ng Computer Desktop sa 6ID

STI Mobile Bus

CAMP SIONGCO, Awang, DOS, Maguindanao del Norte – Nagbigay ng isang mobile bus na may 24 na units ng computer desktop ang STI College of Cotabato City sa 6th Infantry (Kampilan) Division.

Ang signing ceremony ay isinagawa sa harap ng administration building sa himpilang ito, nitong ika-25 ng Nobyembre 2022.

Ayon kay Ginoong Jefferson Bacurnay, ang Presidente ng STI College of Cotabato sa panayam ng Kampilan News na nakikita nitong mas magagamit ng 6ID ang Mobile School Computer Lab on Wheels para mapa-angat pa ang kaalaman ng tropa sa paggamit ng computer.

Masaya namang tinanggap ng 6ID ang nasabing Mobile Bus. Sa kanyang mensahe sinabi ni Assistant Division Commander for Administration, Brigadier General Eduardo Gubat na iingatan ng 6ID ang ibinigay na mobile Bus with 24 units of computer bilang pasasalamat na rin ng Kampilan Division sa pamunuan ng STI.

Ang donation ay naisakatuparan sa pamamagitan ng Office of the Assistant Chief of Staff for Training.

Si Lt. Col. Josue Erie, Assistant chief of staff for logistics ang lumagda sa mga dokumento na itinurn-over sa 6ID.

Dumalo din sa nasabing programa si Brigadier General Jovencio Gonzales, ang Assistant Division commander for Operations at ilan pang mga matataas na opisyal ng 6ID.

Journal Online
A collection of noteworthy information on various topics from the Philippines and the rest of the world.
https://journal.com.ph