Home>News>Miscellaneous>Sto. Niño de Tondo, idedeklara na bilang Minor Basilica
Miscellaneous

Sto. Niño de Tondo, idedeklara na bilang Minor Basilica

SA darating na Mayo ay nakatakda nang ideklara bilang minor basilica ang Archdiocesan Shrine and Parish of Santo Niño de Tondo na siyang piinakasikat na Simbahan sa Tondo, Maynila.

Napag-alaman na ang deklarasyon kasama na ang ilang isang minor basilica, ay isasagawa dakong alas-2 ng hapon sa Mayo 11.

Batay sa social media post ng nasabing Tondo church, ang solemn eucharistic celebration para sa naturang aktibidad ay pangungunahan mismo ni Apostolic Nuncio to the Philippines Charles John Brown, DD, kasama si Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula.

Kaugnay niyan ay inanyayarahan rin nito ang mga mananampalataya na lumahok sa naturang mahalagang aktibidad.

Aniya, “Let us come together as one people of God to celebrate this historic moment of grace, deepened devotion, and renewed mission under the loving guidance and protection of the Santo Niño.”

Ang naturang titulo ay una nang iginawad ni Pope Leo XIV sa pamamagitan ng Papal Decree na may petsang Nobyembre 9, 2025, sa Archdiocesan Shrine and Parish of Santo Niño de Tondo.

Itinatag noong 1572, ang Tondo Church ay tahanan ng Santo Niño de Tondo, ang ikalawang pinakamatandang imahe ng Santo Niño sa Pilipinas at ang pista nito ay taunang ipinagdiriwang tuwing ikatlong Linggo ng Enero.

Ang isang simbahan ay kinikilala bilang isang minor basilica kung ito ay mayroong historical, architectural o spiritual na kahalagahan.

Itchie G. Cabayan
DIRECT HIT entertains comments, suggestions or complaints. Please have them emailed to [email protected] or text 0917-3132168.