Home>News>Metro>Tatlong babaeng mandurukot, dinakip ng SMArT
Metro

Tatlong babaeng mandurukot, dinakip ng SMArT

Mandurukot
Si SMArT chief Maj. Edward Samonte habang pinagagalitan ang "Tatlong Maria" na dinakip dahil sa pandurukot ng mga cellphone. (JERRY S. TAN)

Dinakip ng mga tauhan ng Manila.Police District-Special Mayor’s Reaction Team (MPD-SMaRT) ang tatlong kababaihan na diumano ay mga ‘notoryus’ na mandurukot, matapos humingi ng tulong ang kanilang biniktima kahapon ng umaga sa may Liwasang Bonifacio Monument sa Taft Avenue, Ermita, Maynila.

Ayon kay SMaRT chief Maj. Edward Samonte, ang mga suspek na sina Rose Ann Angeles, 22 ; Annabell Bastigue,37; at Analyn Enorio,32, pawang taga 24 Oscaris St., Quiapo, Maynila, ay nasa kustodiya nila sa ngayon habang inihahanda ang kaukulang kasong isasampa laban sa kanila sa Manila Prosecutor’s Office.

Sa ulat ni Samonte, ang mga suspek ay inireklamo ng kanilang biniktimang si Rowena.Musa,25, saleslady, ng No. 1151 Vergata St., Quiapo, Maynila.

Inihayag ng biktima na naglalakad umano siya nang lansihin siya ng tatlong babae sa nabanggit na lugar, alas-7:45 ng umaga at huli na nang mapansin ng biktima na nadukot na ang kanyang cellphone na Wh Samsung Galaxy A71 na nagkakahalaga ng P22,990,00.

Kaagad namang nagsisigaw ang biktima ng “mandurukot!” na nakatawag ng pansin sa mga nagpapatrulyang sina PCpl Peter Joe Cruz , PCpl Emerson Visperas at Pat Ron Marc Jimenez, na humabol sa mga suspek. Nabawi naman sa mga suspek ang cellphone ng biktima.

Itchie G. Cabayan
DIRECT HIT entertains comments, suggestions or complaints. Please have them emailed to [email protected] or text 0917-3132168.