Home>News>Events>Training Program at Internasyonal na Komperensya ukol sa Peace Education, Ginanap sa Urdaneta City University
Events

Training Program at Internasyonal na Komperensya ukol sa Peace Education, Ginanap sa Urdaneta City University

Training Program for Peace Education at Urdaneta City University

URDANETA CITY, PANGASINAN — Noong ika-8 at 9 ng Agosto, 2022, idinaos ang Peace Education Capacity Building Program (CBP) sa temang “Empowering Educators in Spreading the Culture of Peace” sa Urdaneta City University (UCU). Sinundan ito ng International Ethics and Peace Education Conference (IEPEC) 2022 na may temang “Empowering Ethics and Peace Education” noong ika-10-12 ng Agosto. Pareho itong ginanap sa pamamagitan ng hybrid setup na may online at onsite na mga kalahok.

Sa loob ng dalawang araw na CBP, itinuro ng mga peace coordinator ng Heavenly Culture, World Peace, Restoration of Light (HWPL), isang internasyonal na NGO, ang labindalawang (12) aralin ng HWPL Peace Education sa 75 na mga department head, kaguruan at kawani ng UCU. Ang mga materyales ay gagamitin upang ituro peace education sa darating na akademikong taon, bilang bahagi ng Memorandum of Understanding na nilagdaan ng UCU at HWPL noong ika-28 ng Hulyo, 2022.

Ibinahagi ni Dr. Amihan April Mella-Alcazar, Pangulo ng UCU, sa kanyang pambungad na pananalita, “With your Peace [Education] Capacity Building Program in place, in terms of its curriculum and instructional design, this is going to be a very innovative pedagogy or methodology of teaching that you have adopted. So this has been a very dynamic and interesting experience for the faculty members of Urdaneta City University.”

Pagkatapos ng CBP, ginanap ang IEPEC 2022 bilang pagdiriwang ng Pandaigdigang Araw ng Etika at Pandaigdigang Araw ng Kapayapaan. Ito ay inorganisa ng The Education Channel (TEC) sa pakikipagtulungan ng HWPL, Social Ethics Society (SES) Mindanao at American University of Sovereign Nations (AUSN).

Sa unang araw ng IEPEC, nagtanim ng mga ‘peace tree’ na ipinangalan sa mga opisyal at mga plenary speaker bilang simbolo ng kanilang pagtutulungan sa pagtatanim ng binhi ng kapayapaan sa unibersidad. Ito rin ay hudyat ng pagbubukas ng isang International Peace Park sa unibersidad.

Prinesenta ng mga propesor at estudyante mula sa iba’t ibang unibersidad ang resulta ng kanilang pananaliksik ukol sa etika, edukasyon at kapayapaan. Gayundin, nagbigay ng lecture ang mga plenary speaker mula sa lokal at internasyonal. Kabilang sa mga internasyonal na tagapagsalita sina Dhastagir Sultan Sheriff ng Benghazi University na tinalakay ang “Education and Peace, a Gandhian Perspective” at si Dr. Suma Parahakaran ng Manipal GlobalNxt University na may paksang, “Children and Youth as Changemakers: Integrating “Care” into the Curriculum and Policy”.

“When you understand the concept of peace, it is actually about understanding the spirit of the people and not of the curriculum… It is leading the child from the heart. It is a connection between two spirits—the spirit within you as a teacher as well as the spirit of the child,” ani ni Dr. Parahakan.

Personal na dumalo ang mga Pilipinong tagapagsalita kabilang sina Major General Melquiades Feliciano (ret), National Program Management Officer sa United Nations Office of Counter-Terrorism; Komisyoner ng CHED na si Dr. Ronald L. Adamat; John Rommel Garces, HWPL Chief Branch Manager; Prof. Christopher Ryan Maboloc ng Ateneo de Davao University; at Prof. Jove Jim Aguas ng Unibersidad ng Santo Tomas.

Training Program for Peace Education at Urdaneta City University

Sa ikalawang araw, ibinahagi ni Dr. Adamat ang kasalukuyang progreso ng pagpapatupad ng Peace Education sa kurikulum ng CHED. Noong 2019, pinangunahan niya ng pagsasatupad ng mandato upang ituro ang peace education at IP education sa higher education curriculum. Ang ilan sa mga propesor ay nakatanggap na ng pagsasanay, habang patuloy na binubuo ng CHED ang syllabi. Nilalayon ng komisyoner na matapos ito sa dulo ng taon. Kasalukuyan ding isinasagawa ang pagtatatag ng mga peace monument at mga peace club para sa mga higher education institution.

Dumalo rin si Sen. Sherwin Gatchalian upang personal na ihatid ang kanyang inspirational na mensahe, “In a world set by conflict from pole to pole, how can we bring the quest for peace to a successful end? The solution lies in education. As the Chairman of the Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture, I have seen first hand, the power of education in nurturing, accepting world views, and empathetic relationships among persons from divergent backgrounds.”

Sa huling araw ng kumperensya, pinakita ni MGen. Feliciano (ret) ang pandaigdigan at pambansang sitwasyon hinggil sa marahas na ekstremismo, gayundin ang pambansang balangkas para sa pagresolba nito. Binigyang-diin niya na ang boses ng kabataan ay napakahalaga sa panahong ito ng digmaan sa pagitan ng Russia at Ukraine at sa pagitan ng China at Taiwan, bilang mga direktang apektado.

Sumunod na ipinakilala ni G. Garces ang mga gawaing pangkapayapaan ng HWPL sa buong mundo at sa bansa kabilang ang peace education, “Ang dalawang hamon ng pagpapatupad ng edukasyong pangkapayapaan ay ang kakayahan ng mga guro na magturo ng peace education dahil bago ito, at ang availability ng mga peace education materials. We’ll develop and improve this together, and hopefully, we can craft the best education and train the best teachers so that they can nurture the next generation.”

Nagbigay din ng inspirational na mensahe si Chairman Lee Man-hee ng HWPL sa pamamagitan ng isang video, “No wealth or fortune can be worthy of a legacy that lasts for generations, but a peaceful world free of wars–a world of freedom, peace and love. These are what we must leave as an inheritance for our children’s generation. This is the work we are called for in our time. It is on us as humankind to fulfill this goal.”

Sa pagtatapos ng komperensya, hinikayat ng punong-abala na si Prof. Mark Lataza ang mga kalahok na ipagpatuloy ang mga hakbangin para sa kapayapaan at dalhin ang kanilang mga natutunan sa totoong buhay sa pamamagitan ng iba’t ibang aktibidad upang magkaroon ng “aktwal na senyales ng kultura ng kapayapaan”.

Journal Online
A collection of noteworthy information on various topics from the Philippines and the rest of the world.
https://journal.com.ph