Home>News>Nation>Truck nahulog sa bangin, 22 sugatan

Truck nahulog sa bangin, 22 sugatan

Relief mission naging trahedya

DALAWAMPU’T DALAWANG sundalo ang nasugatan matapos mahulog sa may 15 metrong lalim na bangin ang kanilang sinasakyang truck kahapon ng madaling araw sa Matnog, Sorsogon.

Ito ang kinumpirma ni Police Staff Sergeant Michael Brutas ng Matnog Municipal Police Station.

Ayon sa ulat,naganap ang insidente dakong 1 a.m. sa Barangay Hidhid sa naturang lugar.

Napag-alaman na mamamahagi sana ng relief goods ang mga sundalo sa Bgy. Bonot sa bayan ng Matnog nang maganap ang insidente.

Makati City Pabakuna

Ang mga sundalo ay mula sa 903rd Infantry Brigade ng Philippine Army.

Nawalan umano ng preno ang truck at nagtuloy-tuloy itong nahulog sa bangin na may 15 metro ang lalim.

Agad isinugod sa ospital ang mga sundalo na pawang nagtamo ng minor injuries.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya upang bigyang linaw ang insidente.

Publication Source :    People's Tonight
Zaida I. Delos Reyes
Native of Pampanga, resident of SJDM, Bulacan