Home>News>Metro>Tulong pinansiyal para sa rice vendors sa Maynila, ipinamahagi na
Metro

Tulong pinansiyal para sa rice vendors sa Maynila, ipinamahagi na

Princess Abante

Nagsimula na ang pamamahagi ng tulong- pinansiyal para sa mga rice vendors sa lungsod ng Maynila na apektado ng rice price ceiling na ipinairal ng pamahalaan nitong nakaraang buwan lamang.

Ayon kay Atty. Princess Abante, tagapagsalita ni Manila Mayor Honey Lacuna, ang pamamahagi ng tulong para sa mga community at sari- sari store rice vendors ay pinangunahan ng Department of Trade and Industry (DTI), Department of Social Welfare and Development (DSWD) at pamahalaang-lungsod ng Maynila.

Unang nakatanggap ng naturang ayuda ang 795 community at sari-sari store rice vendors mula sa District 1 at 2 ng Maynila.

Dakong alas-9 ng umaga nitong Miyerkules nang isagawa ang pamamahagi ng ayuda sa kanila sa Patricia Sports Complex.

Samantala, susunod namang mabibiyayaan ng ayuda ang mga sari sari-store owners at rice vendors mula sa Districts 3, 4 at 6. Ito ay gagawin namqn sa Dapitan Sports Complex, Maynila, ganap na alas-8 ng umaga ng Huwebes, Oktubre 12.

Ang pamamahagi naman ng ayuda para sa mga sari- sari store owners at rice vendors ng District 5 ay isasagawa ganap na alas-8 ng umaga sa Biyernes, Oktubre 13, sa San Andres Complex, Manila.

Itchie G. Cabayan
DIRECT HIT entertains comments, suggestions or complaints. Please have them emailed to [email protected] or text 0917-3132168.