Home>News>Provincial>Wag po uncle, ‘wag po!

Wag po uncle, ‘wag po!

Suspect
Ang suspek na si Rodel Idian ay inaresto sa pinagtaguan nitong bahay sa San Pablo City. Kuha ni GIL AMAN

ISANG 33-anyos na tiyo na tinaguriang Most Wanted Person dahil sa paggahasa umano ng kanyang 11-anyos na pamangkin ang inaresto ng mga miyembro ng Sta Cruz police at ProvinciaI Highway Patrol sa San Pablo City, Laguna.

Sa ulat ni PLt. Col. Chitadel Gaoiran, hepe ng Sta Cruz police , nakilala ang naarestong suspek na si Rodel Idian, pansamantalang naninirahan sa Bgy. San Joaquin, San Pablo City, Laguna.

Si Idian ay nabilang na No. 1 most wanted person (Provincial Level) dahil sa kinasasangkutang dalawang kaso ng statutorh rape.

Dalawang beses umano nitong pagsamantalahan ang 11-anyos na pamangkin na babae noong nakaraang Agosto 10, 12 taong 2019.

Tumakas ang suspek at nakapagtago sa batas. Ngunit natunugan ng pulisya na umuwi ito sa Bgy. Santisima, Sta. Cruz nitong magbabagong taon.

Makati City Pabakuna

Sa pamamagitan ng ikinasang manhunt operation ng mga tauhan ni Gaoiran sa pamumuno ni PMSgt. Rex Cabrera, PCpl. Algy Riguer, PCpl. Melvin Belen at mga tauhan ni PHPT Chief PCapt. Charlie Reyes, agarang naaresto ang suspek sa nasabing lugar dakong 3 p.m.

Ayon sa salaysay ng biktima sa pulisya, sinamantala aniya ng suspek ang panggagahasa sa kanya habang nag-iisa ito sa loob ng kanyang kuwarto dakong alas 11:00 ng hatinggabi kasunod ang isinagawang pagbabanta nito na huwag magsusumbong sa kanyang mga magulang.

Nag-ugat lamang aniya ito para magsumbong sa kanyang Ina matapos dumanas na ito ng pananakit ng kanyang ari at katawan.

Kasalukuyang nakapiit ang suspek sa Sta. Cruz PNP Lock Up Cell para harapin nito ang kasong isinampa sa kanya ng pulisya na walang kaukulang piyansang para sa pansamantala nitong paglaya.

Publication Source :    People's Tonight