Home>News>Wala akong flood control projects – Sen. Joel Villanueva
News

Wala akong flood control projects – Sen. Joel Villanueva

Joel Villanueva

“I will not be distracted by lies. Instead, I reaffirm my commitment to the work that truly matters—serving our people with honesty and integrity.”

Ito ang mariing tinuran ni Senator Joel Villanueva kaugnay sa aniya ay pilit na pagkaladkad diumano sa kanyang pangalan sa flood control projects sa Bulacan.

“Uulitin ko at parang sirang plaka na ako, Mr. President wala po akong flood control projects. Hindi ko po sasabihin na I categorically deny this accusation dahil po may resibo po tayo. Meron pong pwedeng iberipika kung bakit po ito nangyayari…noon pa man tayo ay lumalaban na against this flood control issues,” pahayag ni Villanueva.

Aniya pa:”Hindi lang po categorically denying yung binabatong putik sa atin at para dumihan ang ating pangalan. May resibo po tayo. Madaling beripikahin. Tayo po ay more than willing mag-undergo at sumali sa anumang imbestigasyon sapagkat wala po tayong tinatago.,,ang hiling ko po, Mr. President, atin pong alamin at siguruhin na may ebidensya ang ating sinasabing sangkot dito at sa mga susunod na pagdinig, ibibigay ko po lahat ng aking nalalaman. Wala rin po akong sasantuhin, gaya ng sinasabi ko noon pa. At Mr. President, I will never betray my principle. I will never ever. I will never ever, Mr. President destroy the name that was given to me by my parents because it is priceless.”

Binigyang-diin ni Villanueva na siya ay pinalaki ng mga magulang niya na naniniwala sa langit at impyerno at naniniwala umano siya na “when you die here on earth, you will face your creator and immediately into judgement.”

“Pinalaki po ako ng magulang ko na sa impyerno walang graduation. Kahit bilyong taon kahit isang trilyong kapag ikaw nagkasala, kapag ikaw pinarusahan ng Diyos wala pong graduation doon…my duty has always been to serve our kababayans lalong lalo na po ang mga kababayan kong Bulakenyo who suffer flooding year after year. That is where my focus remain, Mr. President. Finding real solutions, not engaging in black propaganda, dagdag pa nito.

Ayon sa Senador, hindi siya natatakot sa mga ganitong uri ng demolition job at handa rin siyang madungisan ang kanyang pangalan, mainsulto o batikusin kung ito naman ang magliligtas sa ating mga kababayan at tutuldok sa ‘unli-baha.’

Sinabi pa ni Villanueva na ang dahilan kung bakit lumabas ang pangalan niya ay dahil sa may hawak siyang mga affidavit ng mga taga-DPWH sa Bulacan.

“Ipinakita ko po sa kanila at sabi ko ibi-bring up ko po sa committee ni Senator Marcoleta. Hindi ko po ito nagawa sapagkat alam naman natin ang nangyari kahapon. We were preparing, I didn’t get the chance to attend the committee hearing. Pero sabi ko nga po kina Senator Chiz at Senator JV, this is way too low, Assistant District Engineer para namang, bakit naman pag-aaksayahan ko ito ng panahon. And then, ito nga po lumabas bigla kahapon, ang taong ito,” he added.

Itchie G. Cabayan
DIRECT HIT entertains comments, suggestions or complaints. Please have them emailed to [email protected] or text 0917-3132168.