Home>Editorial>Opinion>Wala sa rekord ng Kongreso

Wala sa rekord ng Kongreso

NATATAWA” na lang umano ang liderato ni House Speaker Lord Allan Velasco, sa “ipinapakalat” ng kampo ni ex-Speaker at Taguig Rep. Alan Peter Cayetano, na “pinigilan” ni Lord, ehek, ni Speaker Velasco, ang “planong imbestigasyon” (sana) ng Committee on Good Governance and Public Accountability hinggil sa isyu ng korapsyon, partikular na sa DPWH.

Ang nasabing komite ay hawak (dati) ni Bulacan Rep. Jonathan ‘Kuya’ Sy Alvarado subalit inalis sa puwesto, batay sa desisyon ng mayorya, bago mag-Pasko.

Sa ‘storyline’ kasi na inilabas ni Rep. Cayetano at kanyang grupo, “napilitan” na si Pang. Rody na “pangalanan” ang ilang mambabatas na umano’y dawit sa korapsyon sa DPWH, dahil “pinigilan” mismo ni Speaker Velasco ang imbestigasyon.

Kumbaga, may “pahaging” na “natatakot” ang kasalukuyang liderato ng Kongreso sa imbestigasyon dahil baka “sumabit” ang ilan sa kanila, ahahay!

At “napatawa” na lang ang kampo ni Speaker Lord dahil batay sa mismong rekord ng dating komite na hawak ni Alvarado, wala namang nakasalang na ano mang resolusyon hinggil dito, hanggang nasibak sa puwesto si Cong. Alvarado noong Disyembre 16.

Batay pa sa ‘official record’ ang “nakasalang” na dapat sanang imbestigahan ng komite ay ang anomalya sa PhilHealth, ayoown naman pala, hehehe!

Ang tanong pa nga ng ibang mambabatas sa kampo ni Cong. Alan, “sino” ba ang unang “kumontra” sa pag-iingay ni PACC Commissioner Greco Belgica hinggil sa mga kongresista na umano’y sabit sa mga katiwalian sa DPWH, hindi ba si Anakalusugan partylist representative, Mike Defensor?

Hindi pa nga naman kasi “ulyanin” ang mga miron para makalimutan ang ‘put up or shut up’ ni Defensor kay Belgica, ilang buwan pa lang ang nakaraan hindi ba?

Translation? Ang hamon noon ni Defensor sa PACC, “pangalanan” ni Belgica ang mga mambabatas at kung hindi niya kawang gawin, “manahimik” na lang siya.

Translation ulit? Lumalabas na “binabaligtad” pa ngayon ng grupo ni Rep. Alan ang sitwasyon at sila na ngayon ang biglang naging mga “bida” sa krusada laban sa mga katiwalian sa pamahalaan.

Makati City Pabakuna

Nakakatawa pa ang banat ni Defensor na parang iniiwasan daw ni Velasco na magkaroon ng anumang pagdinig sa Kongreso tungkol sa mga anomalya sa gobyerno, ‘when the records are very clear,’ wika nga.

***

Ang “totoong usap-usapan: sa Batasan Complex, ayon pa sa mga miron, ay “hindi nagustuhan” ng House leadership ang estilo ng tandem nina Defensor (bilang dating chairman ng Committee on Public Accounts) at Alvarado (bilang dating chairman ng Committee on Good Governance and Public Accountability) sa pagsasagawa ng mga hearing.

Kung sa “pakiramdam” ng liderato ay masyadong “matalas,” ehek, “malalim” sa kanilang diskarte ang Defensor-Alvarado-Cayetano ‘triumvirate,’ eh, parang ganun na nga yata, hehehe!

At dahil “tamang hinala” na ang mayorya ng Kongreso sa kanila, nagdesisyon na hindi na muna nagpa-hearing ang House leadership sa mga nasabing komite noong Disyembre.

At ito rin (daw) ang naging malaking basehan kung bakit inalis ng mismong mga kasamahan sa puwesto sina Defensor at Alvarado.

Kung hindi naman totoo ang sinasabi ng mga miron hinggil sa “tunay” na dahilan” sa pagkatanggal ng mayorya dito kina Rep. Mike at Rep. Jonathan, eh, ‘welcome’ po dito ang inyong paliwanag, mga bosing.

Take note: Nakatakdang isalang sana nina Defensor at Alvarado ang MERALCO, MWSS, at mga malalaking bangko bago sila kapwa nasibak sa puwesto at hindi na umabot pa nang Pasko. “Panghihinayang” yata ang tawag dito, kasamang Nats Taboy?

Abangan!

Publication Source :    People's Tonight