Home>News>Miscellaneous>‘Walk for Life”, nakatandang idaos sa Pebrero 23
Miscellaneous

‘Walk for Life”, nakatandang idaos sa Pebrero 23

Naglabas ng paanyaya ang Simbahang Katolika sa mga mananampalataya na makiisa sa pagdaraos ng ‘Walk for Life’ sa Pebrero 23, 2025.

Ang aktibidad na na inorganisa ng Council of the Laity of the Philippines, isang koalisyon ng mga lay groups sa buong bansa, ay may layuning ipagdiwang ang kasagraduhan ng buhay.

Napag-alamang sisimulan ang naturang taunang pro-life event dakong alas-4 ng madaling araw sa Lawn C, Flower Clock Area sa Rizal Park at magtatapos sa Manila Cathedral. Ito ay susundan ng isang banal na misa, na pamumunuan ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula.

“Let’s come together to celebrate the gift of life and bring the message of hope to the world,. Let’s walk with purpose, stand for life, and be a beacon of hope,” anang Simbahan.

Itchie G. Cabayan
DIRECT HIT entertains comments, suggestions or complaints. Please have them emailed to [email protected] or text 0917-3132168.