Home>News>Provincial>“We unified our efforts, systematically sa disaster na ito” – Maj. Gen. Galido
Provincial

“We unified our efforts, systematically sa disaster na ito” – Maj. Gen. Galido

Major General Roy M. Galido

Camp Siongco, Awang, DOS, Maguindanao del Norte – “We unified our efforts, doing it systematically sa disaster na ito”, ang naging pahayag ni Major General Roy M Galido, Commander ng Joint Task Force Central at 6th Infantry (Kampilan) Division matapos inatas na maging Incident Commander sa Retrieval and Relief Operations sa mga nabiktima ng flashflood at landslide sa Maguindanao del Norte, Maguindanao del Sur at Sultan Kudarat dulot ng Severe Tropical Storm Paeng.

Umaasa si Maj. Gen. Galido na may makukuha pang recovery sa lugar na lubos naapektuhan sa landslide sa Sitio Tinabon, Barangay Kusiong, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte na syang ground zero sa insidente.

“Yung recovery ng possible na mga survivors and technically we are on our third day and hopefully meron pa tayong marecover”, ayun kay Maj. Gen. Galido.

Subalit kung babasehan ang estado ng landslide area kakaunti ang tsansa na may survivor. “Because all houses is made up of light materials, walang solid building doon that could be a safe haven for a possible survivor”, aniya.

Malaki rin ang naitutulong ng mga K9 Units dahil ito ang tumutukoy kung saan ang mga labi ng mga nalibing sa landslide. “The more important doon is our K9’s natin who could track yung remains ng survivors”, dagdag ng Incident Commander.

Nasa 150 personnel ang nagtulong-tulong ngayon sa ginagawang Retrieval and Relief Operations kinabibilangan mula sa Philippine National Police, Bureau of Fire Protection, Philippine Coast Guard, Philippine Air Force at Philippine Army.

Journal Online
A collection of noteworthy information on various topics from the Philippines and the rest of the world.
https://journal.com.ph