Home>Editorial>Mysteries>Zombi Pilipinas: Kilabot (Bk.1 Ch.9)

Zombi Pilipinas: Kilabot (Bk.1 Ch.9)

Zombi Pilipinas

November 14, 2024; 2:55 A.M.

Hingal na hingal na si Alvaro subalit hindi pa rin tumitigil sa pagpanhik sa palikulikong hagdanan sa emergency stairs ng BSP. Halus mawalan na ito ng malay-tao sa sobrang takot at pagnanais na makawala bangunot na kanyang kinalalagyan. Hinahabol sya ng kasamahang sila Victor at ang gwardiya at sa hindi kalayuan sa may likuran ay naroon naman si Michael at ang apat pang zombie na nakita niyang nasa labas ng opisina. Nakakapangilabot ang hitsura ng dalawang humahabol sa kanya. Ibang-iba na ang mga into sa dati nilang mukha. Parang pilay kung lumakad si Victor dahil sa malaking sugat nito sa paa, tumataga pa rin ang dugo habang pumapanhik sa paliku-likong hagdan papanhik.

Pababa na sana ang director sa ground floor upang takasan sina Victor subalit nagulat na lamang siya nang makita ang apat na kalalakihang zombie na papanhik na rin sa may hagdan. Dahil sa taranta ay napilitang syang bumalik paitaas. Nasa ikalawang palapag na sya nang bumulaga sa kanya sila Victor at ang gwardia na naglalakad na paputungong hagdan upang sundan sya. Mabuti na lamang at mabilis syang nakatakbo papuntang third floor bago pa man nakayapak sa may hagdan mula sa second floor ang dalawang zombie. Binilisan ni Alvaro ang pagpanhik at pilit na binubuksan ang mga pintuan sa bawat palapag na kanyang napupuntahan, subalit nakasarado ang mga ito. Minabuti na lamang nyang ipagpatuloy ang pagpanhik upang maiwasan ang mga humahabol na zombie. Dinig na dinig nya ang mga yabag ng mga pumapanhik na zombie pati na ang mga ungol ng mga ito. Lalung kumakabog ang dibdib ng director, alam niyang mahirap buksan ang mga emergency exit ng labinlimang palapag ng gusali.

Nang marating ang ika-pitong palapag ay sinubukan niyang buksan ang pintuan papasok. Nasa ika-anim na palapag na ang mga humahabol sa kanya na lalung bumibilis ang hakbang papanhik. Kumakabog ang kanyang dibdib sa takot, nangangatog pa rin ang kanyang mga tuhod. Panay silip nito sa hagdanan upang tingnan ang mga zombing humahabol sa kanya. Madilim ang paligid, nananalangin na nawa ay wag maglobat ang kanyang cellphone dahil ito lamang ang nagsisilbing ilaw sa kanyang dinaraanan. Palapit na ng palapit ang mga ungol ng mga zombing patuloy na humahabol sa kanya. Dinig na dinig nya na ang mga ungol ng mga ito na sa wari nya ay papalakas ng papalakas habang mas umiigsi ang pagitan nila.

“Diyos ko!” ang bulong nito sa sarili at mabilis na ipinagpatuloy ang pagpanhik nang hindi mabuksan ang pintu ng ika-pitong palapag. Sinubukan nyang kumatok.

“Taooo…. Taooo…. Tulongg…. Pakibuksan ang pintooo…” ang pagbabakasakaling sigaw nito sa pintuan. Nang walag nagbubukas ay iniwan nito ang pinto at saka ipinagpatuloy ang pagpanhik sa susunod pang palapag.

Nang nasa ika-walong palapag na sya ay sinipa nya ang exit door, nabuksan iyon. Mabilis syang pumasok. At kaagad na tinungo ang hallway kung saan naroon ang mga silid ng mga nanunuluyan sa hostel. Nagsisigaw si Alvaro binalaan ang ilang mga residente ng hostel na ang karamihan ay mga frontliners.

Naiwan niyang nakabukas ang pinto ng exit door ng ika-walong palapag.

“Mag-ingat kayo… wag kayo lalabas ng silid, isara nyo ang mga pinto… wag kayong lalabass… narito na sila, ang hinihingal na sigaw nito. Kinakatok nya rin ang bawat silid. Ang ilan sa mga residente ay nataranta na rin, nakarating na sa kanila ang balita kung saan nagkakagulo na sa mga hospital at ilang presinto ng pulis dahil umaatake na ang mga zombie. Nagkalat na rin daw ang mga zombie sa Luneta at sa kahabaan ng Roxas Blvd. Mayroon na rin daw umaatakeng mga zombie sa hotel sa may PICC pati na ang mga maliliit na hotel sa kahabaan ng Roxas. Mayroon na ring namataang zombie sa Quiapo at pati sa may Auroa Blvd. patungong Espanya.

Mabilis na nagtakbuhan ang ilang mg residente paitaas ang ilan naman ay mas piniling manaliti sa kanilang mga kwarto at binarikadahan ang mga iyon.

Hindi pa rin malaman ni Alvaro kung ano ang kanyang gagawin. Alam niyang hindi na ligtas mamalagi sa gusali dahil may nakapasok nang mga zombie sa loob. Nag-text ito sa kanyang kapatid at pati sa kanyang bayaw at sinabihan ito na sunduin sya ng motorsiklo sa opisina. Napatingin ito sa elevator. Inisip na pwede syang maghintay sa lobby dahil nasa itaas naman ang mga zombie.

Nanginig na sa takot ang director. Iginala nito ang kanyang paningin, nakikiramdam sa mga taong nagkanya-kanya na ng tago at naghanap ng matataguan. Bumukas ang exit door sa ika-walong palapag at pumasok sina Victor at ang gwardia.

Nagtungo naman sa elevator si Alvaro walang kamalay-malay na nakapasok na pala sa sirang exit door ang dalawag zombie. Nagdalawang isip ang director kung bababa ba o makikitago sa ilang sa silid. Hanggang magpasya itong bumaba na lamang at hintayin ang motorsiklo ng kanyang bayaw.

Maya-maya pa ay nakarinig ito ng sigawan sa isang silid. Biglang nagkagulo ang mga fronthliners. Hindi na magkamayaw ang mga tao sa takot. Nagpulasan ang ilan at pinilit na nagtungo sa mga exit doors upang bumaba o kaya ay umakyat pa sa mgas mataas na palapag ng hostel.

Ilang frontliners ang nagpilit na bumaba, subalit nasukol sila ng apat na zombing humahabol kay Alvaro, dalawa sa mga ito ang sinawing palad na nadaklot ng mga zombie. Nagsisigaw ang mga into. Humihingi ng tulog, subalit walang naglalakas loob na lumapit upang sila ay tulungan. Naiwan na sila ng kanilang kasamahan na nagpasyang umakyat pa hanggang sa may itaas ng gusali patungong rooftop.

Samantala pinakiramdaman ng director ang elevator at nang masigurong walang taong sumasakay ay mabilis nitong pinindot ang down botton, ng bumukas ang pinto at mabilis itong pumasok sa bagon at pinindut ang ground botton. Pasara na ang pinto ng may isang babaeng staff ng hostel ang sumigaw.

“Sir.. sandali poooo… sasakay din akooo… sirrr….” ang pakiusap nito nang makitang pasara na ang elevator.

Sa sobrang taranta ay napindot ni Alvaro ang hold botton. Hinintay nyang makarating at makasakay sa elevator ang tumatakbong babae. May isang metro na lamang ang layo nito sa may pinto nang bigla itong tumumba, hawak nito ang kanyang braso na noon ay maraming tumatagas na dugo. Nakagat na pala ng zombie ang babaeng frontliner.

Nabigla si Alvaro. Nagkikisay ang babae sa harapan nya, nanigas ito, itinaas ang dibdib at sumuka ng dugo at saka huminga na parang hinihika. Dumaloy ang dugo nito mula sa ilong at tenga kaagad na napuno ng dugo ang mukha nito. Nashock si Alvaro, pinagmasdan ang babae at ang unti-unting pagbabagong anyo nito. Biglang namutla ang babae, namuti ang mga mata nito at saka tumitig sa kanya. Tinakpan ni Alvaro ang kanyang bibig upang wag mapasigaw at mabilis nitong pinindot ang numbero uno ng elevator.

Shock na shock si Alvaro lalu na ng bumangon ang babae na halus sa isang iglap lang ay ganap ng naging isang zombie. Sa taranta nito ay pinagpipindot ang botton ng elevator na ayaw magsara dahil naka-hold ang botton.

Hindi malaman ni Alvaro ang gagawin, nasukol sya sa elevator na ayaw sumara. Napapikit na lamang ang direktor, palapit na ang babaeng zombie subalit hindi pa rin sumasara ang pinto. Napaurong si Alvaro sa kasuluksulukan ng elevator habang dalawa pang zombie ang sumulpot mula sa likuran ng babaeng zombie. Hindi makasigaw sa takot si Alvaro at nang akmang papasok na ang zombie sa loob ng bagon ay sinipa nya ito ng malakas, napaurong ang zombie at napasandal sa dalawa pang zombie na mga kasamahan nya ring nanunuluyan sa hostel. Saglit na natigilan ang mga zombie at saka ipinapatuloy ang paglakad patungo sa loob ng elevator. Maya-maya pa ay unti-unti nang nagsara ang pinto ng elevator at nagsimula na itong bumaba.

Pansamantalang nakahiga ng maluwag ang director at nanalangin na sana ay walang zombie sa ibaba. Habang dahangdahang bumaba ang elevator ay napapikit si Alvaro. Dahil sa pagod at takot ay napaupo ito sa sulok ng elevator. Napahalukipkip ito, gulong-gulo ang isip. Hinawakan nya ng magkabilang kamay ang kanyang ulo. Pilit nag-iisip kung ano ang susunod na gagawin.

“Kung may zombie na… a-ano ang susunod na mangyayari,” ang tanog nito sa sarili. Napaluha ang director. Sumasaksak sa isipan nya ang kanyang mga kaanak at kaibigan. Huminga ng malalim ang director at ihinanda ang sarili sa anumang mangyayari sa lobby.

Bumukas ang pintuan ng elevator.

Limang pares ng mga nanlilisik namata ang nakatitig sa kanya.

Nagsisigaw si Alvaro inisip na ito na ang kanyang katapusan.

Makati City Pabakuna

“Oh my Godd….” Ipinikit na lamang ng director ng kanyang mga mata at nakiramdam.

“Inay….” ang wika ng nanlalambot na director.

Naramdaman nya ang paglapit ng mga into sa kanya. Isa ang lumuhod sa kanyang harapan. Hinintay na lamang nito na atakihin sya ng mga zombie sa loob ng elevator.

“Sir Jofy…” ang bulong ng isang lalaki.

Unti-unting dumilat si Alvaro.

“Ron po Sir Jofy,” ang wika nito. Si Ron ay staff niya sa kanyang division.

“Ron… oh my God!… bakit ka nandito? A-anong nangyayari?” ang tanong ni Alvaro. Inalalayan syang tumayo ng kausap. Nagulat pa into nang makita kung sino ang mga kasama nito.

“Maaga po kasi kaming pumapasok, magkakasabay kaming apat nina Tholits, Coco at ni Jerome, kasama rin po naming si Jonathan,” ang sagot ng kanyang tauhan.

Nalilito pa rin si Alvaro, hindi alam kung paano sisimulan ang pagtatanong.

“Marami na pong zombie sa labas,” ang sagot ni Coco.

“Iniwasan po naming ang mga nadaanan naming, at pagdating dito ay nilabanan naming ang mga nasa labas ng lobby,” ang sagot naman ni Tholitz, “ang dami po naming napatumba.”

“Wag po kayong mag-alala sir, naka-secure na po ang lobby, hinarangan na namin,” ang pakli naman ni Jerome.

Hindi pa rin makapaniwala ang director sa nangyayari sa paligid, napapailing na lamang into dahil sa kanyang karanasan.

“M-Marami pang zombie sa itaas,” ang wika nito sa kanyang mga tauhan. At ikinuwento nito ang nangyari sa kanya sa garahe.

“Yakang-yaka yan boss, kami pa,” ang pabirong wika ni Jonathan na may-hawak na tubong punungpuno ng dugo.

Nasa ganoon silang pag-uusap nang makarining sila ng mga yabag na pababa ng emergency stair kasabay din nito ang malalakas ng katok at sigaw sa labas ng lobby.

“Tulonggggg… tulungan nyo po kami…” ang sigaw ng babae sa labas.

Nagkatinginan ang limang mga tauhan ni Alvaro.

Umiling si Jonathan, alam nyang delikadong buksan ang pinto ng lobby.

“Ssshhhhh… wag ka maingay,” ang bulong ni Tholitz.

“May tao, sumisigaw sa labas,” ang wika naman ni Ron.

Hindi nila napansin na nasa mga unang baitang na ng hagdan si Victor at mga apat pang zombie.

“K-kakaawa naman sila, pagbuksan nyo,” ang uto ni Alvaro.

“B-boss, b-baka zombie na yan,” ang wika ni Jonathan.

“Tanga ka ba? Hindi nagsasalita ang mga zombie,” ang paanas na wika nito. Napilitang magtungo sa harapan ng lobby si Jonathan at Tholitz habang nagbabantay naman sina Coco, Rod at Jerome sa may harap ng elevator. Hawak pa rin ang kanilang mga pamalo.

Previous Chapter:

Unang Silakbo

Next Chapter:

May Liwanag

Publication Source :    People's Tonight

Comments are closed.