Home>Editorial>Mysteries>Zombi Pilipinas: Sa Pagkalat ng Dilim (Bk.1 Ch.6)

Zombi Pilipinas: Sa Pagkalat ng Dilim (Bk.1 Ch.6)

Zombi Pilipinas

NOVEMBER 15, 2024; 12:20 AM

Dahil sa lumalalang kaso ng Corona Virus noong taong 2020, nag-utos ang Pangulo na dagdagan ang mga kapasidad ng mga pangpubliko at pangpribadong hospital sa buong Pilipinas:

Ika-10 ng gabi nang sumadsad ang barkong panggiyera ng China sa Hotel Maynila.

Ika-10:30 ng gabi nang magsimulang magdatingan ang mga ambulansya mula sa iba’t ibang panig ng syudad at karatig na lugar.

Ika-10:45 ng gabi ng isa-isang nag-alisan ang mga ambulansya upang dalhin sa mga hospital ang mga naging biktima.

Ika-11:00 ng gabi ng makarating sa Manila General Hospital ang unang ambulansya na ipinadala sa Hotel Maynila. May apat na pasyenteg sakay ang ambulansya at idiniretso ito sa emergency ward.

Zombi PilipinasLahat ng malalaking hospital sa Manila, pati na sa ibang lungsod at nagpadala ng ambulansya.

Metropolitan Doctors Center
G. Masangkay St., Manila
Bed Capacity – 700
Emergency Ward Capacity – 100
Kasalukuyang bilang ng pasyente at mga medical at non-medical staff: 1,100
Bilag ng pasyenteng galing sa Hotel Maynila: 19

Manila General Hospital
Taft Ave. Ermita, Manila
Bed Capacity – 1,500
Emergency ward – 250
Kasalukuyang bilang ng pasyente at mga medical at non-medical staff: 2,300
Bilag ng pasyenteng galing sa Hotel Maynila:11

Philippine Doctors Hospital
United Nations Ave., Manila
Bed Capacity – 850
Emergency ward – 120
Kasalukuyang bilang ng pasyente at mga medical at non-medical staff: 1,300
Bilag ng pasyenteng galing sa Hotel ng Maynila: 15

Fil-Chi Medical Hospital
Blumentritt St., Manila
Bed Capacity – 1,000
Emergency Ward – 150
Kasalukuyang bilang ng pasyente at mga medical at non-medical staff: 1,400
Bilag ng pasyenteng galing sa Hotel ng Maynila: 27

University of St. Therese Hospital
A. Lacson Ave., Manila
Bed Capacity – 850
Emergency Ward -140
Kasalukuyang bilang ng pasyente at mga medical at non-medical staff: 1,375
Bilag ng pasyenteng galing sa Hotel Maynila: 15

Sain’t Bernard Hospital
Quiricada St.,
Bed Capacity – 1,200
Emergency Ward – 200
Kasalukuyang bilang ng pasyente at mga medical at non-medical staff: 1,700
Bilag ng pasyenteng galing sa Hotel Maynila: 28

Tondo General Hospital
Jose Abad Santos Ave.
Bed Capacity – 670
Emergency Ward – 100
Kasalukuyang bilang ng pasyente at mga medical at non-medical staff: 1,005
Bilag ng pasyenteng galing sa Hotel Maynila: 14

Makati Family Medicine Center
Makati City
Bed Capacity – 850
Emergency Ward – 90
Kasalukuyang bilang ng pasyente at mga medical at non-medical staff: 1,320
Bilag ng pasyenteng galing sa Hotel Maynila: 20

St. Lourdes Medical Center
E. Rodriguez Sr. Blvd. Quezon City
Bed Capacity – 1,000
Emergency Ward – 100
Kasalukuyang bilang ng pasyente at mga medical at non-medical staff: 1,427
Bilag ng pasyenteng galing sa Hotel Maynila: 29

Umalingawngaw ang sirena ng police car at mga ambulansya mula sa iba’t ibang panig ng Maynila at ilang syudad malapit dito. Mabilis na umaksyon ang kinauukulan ng malaman ang malagim na sakunang naganap sa Hotel Maynila. Halus hindi magkandatuto ang mga frontliners na kinabibilangan ng mga police, bumbero, nurses at mga volunteers sa pagsakay ng mga sugatan ilang minuto matapus ang pagsabog. Nagkakagulo sa bandang iyon ng Roxas Blvd. at kanto ng Burgos Ave. at Bonifacio Drive na malapit lamang sa Luneta Park. Hindi magkamayaw ang mga rescue officials sa pagsagip sa ilang mga sugatan. Lahat ng hospital sa Maynila, pati ang ilang mga karatig na lungsod ng Quezon City, Pasay City at pati na ang Makati City ay nagpadala ng ambulansya upang tumugon sa panawagan ng agarang tulong.

Maraming duguan sa mga naging biktima at ang inuunang isinasakay sa mga ambulansya ay ang mga nangangailangan ng panandaliang lunas. Mabilis ang mga pangyayari, nagkalat ang mga sugatan sa kalye at marami ring mga sinawing palad na binawian ng buhay. Isang parte sa Luneta ang pansamantalang nilagakan ng mga nasawi. Ayon sa isang pulis, aabot na sa may 35 katao ang nasawi at naghihintay na lamang ng oras upang ang mga ito ay dalhin sa mga morgue.

Zombi PilipinasAng lahat ng mga naging biktima ay dadalhin sa emergency ward ng mga hospital na nung mga oras na iyon ay marami ring pasyenteng ginagamot dahil nga sa mga nagiging biktima ng covid.

Isang ambulansyang patungo sa pinakamalapit na hospital ang naiipit ngayon sa trapiko. Ang ilang ambulansyang may mga sakay na pasyente ay nangauna na. Binaybay ng ambulansya ang Roxas Blvd. paliko sa may Kalaw Ave. patungong Taft. Halus hindi makausad ang ambulansya dahil sa sobrang dami ng sasakyang nais namang makalusot sa pambihirang trapik na dulot ng insidente sa hotel.

Pilit na minasdan ng lalaking nurse ang tatlong pasyente na pinagkasya sa ambulansya, ang isa rito ay sa sahig na ng ambulansya nakahiga at ang dalawa naman ay magkatabi sa ambulance bed. Tinitigan nito ang dalawang pasyente na tingin nya ay parang nilapa ng mabangis na hayup. Nagtataka ang nurse kung bakit may mga bakas ng ngipin sa mga sugat ang mga pasyente.

“Pare, bakit ganun?” ang tanong nito sa isa pang nurse na pagod na pagod na rin dahil pangalawang beses na silang bumalik sa nasabing hotel upang sumundo ng mga biktima.

“Hindi ko alam, kanina nga ay napansin ko rin ang ilang pasyente na may mga parang kagat ng hayup sa mga kamay at leeg. Ang isa nga ay walang tainga at puro kalmot ang mukha,” ang nagtatakang wika nito.

“Na-nasaan sila ngayon?” hinatid na namin kanina at malamang ay ginagamot na sa emergency ward.

“Kinakabahan ako bro, iba na `to,” ang wika ng nurse.

Sabay silang pinukaw ng ungol ng isang pasyenteng tila hinahabol ang paghinga. Wala itong paso sa katawan, at wala ring bakas na ito ay natabunan ng gumuhong hotel pero bakit duguan at may malalalim na sugat?

“Kuya, sandali na lang, papunta na tayo sa hospital,” ang wika ng isang nurse sa pasyente. Kumuha ito ng kumot at ipinatong sa katawan ng pasyente.

Isa pang pasyente ang nagsimulang umungol. Mabilis nilang nilapitan ang pasyente upang lapatan ng first aid. Pinagmasdan ng isang nurse ang kanyang mga braso na puro kagat nga at sa mga sugat na ito ay panay pa rin ang daloy ng dugo. Inisip nitong kung hindi malulunasan kaagad ay maaring matuyuan ng dugo ang pasyente. Kinuha ng isa ang thermometer at inipit iyon sa kili-kili ng pasyente, kumuha naman ng pagrado ang isa at akma na sanang kukuhanan ng blood pressure ang biktima nang bigla itong magkumbulsyon.

Nataranta ang dalawang nurse. Wala silang kasamang doctor at ang tanging magagawa nila ay siguraduhin na komportable ang may sakit. Maya-maya ay tumigil ang pagkumbulsyon ng pasyente at bumilis ang paghinga nito. “Pare, mukhang masama na ang lagay nito,” ang wika g isang nurse. Muling nagkatinginan ang dalawang nurse, maaring maging “dead on arrival” ang biktima kapag hindi naagapan.

Napabuntung-hininga ang magkaibigang nurse. Ang isa sa kanila ay napapikit na lamang at sumandal sa pinakadingding ng ambulansya.

Maya-maya pa ay umungol pa ang nasa sahig ng ambulansya, wari ay hirap na hirap ito sa paghinga katulad ng isa pang pasyente.

“P-pare… a-ano gagawin natin?” ang natatarantang tanong ng isang nurse sa kanyang kasama.

“H-hindi ko alam… h-hindi ko alam…” ang sagot naman nito. Kinatok ng nurse ang driver at sinabihang bilisan pa ang pagmamaneho sapagkat naghihingalo na ang dalawang pasyente. Tumango lamang ang driver na noon ay pinagmamasdan ang katabing nurse aide na tila masama din ang pakiramdam.

Hinawakan nila ang mga pasyente upang pigilan ang panginginig ng katawan ng mga ito. Nagtig-isa sila ng pasyente. Naging malakas ang panginginig ng katawan ng dalawa, halus sabay silang nagwawala at kapansinpansin ang paglabas ng dugo sa kanilang mga bibig at mga mata.

“Pare…pareeeee… naghihingalo na silaaa… pare…” ang takut na takot na wika ng isang nurse.

Makati City Pabakuna

“Hawakan mo na lang…. hawakan mo na lang… ” ang wika naman ng isa pa.

Lalung nataranta ang dalawa dahil sa naging malikot na ang kanilang mga pasyente, sumisipa na ito sa hangin at panay ang taas ng kanilang mga dibdib. Pilit nilang dinaganan ang mga nagpupumiglas na pasyente na parang nagpipilit makabangon. Naging maingay ang mga ito, panay ang ungol at panaghoy sa sobrang sakit na nararamdaman.

“Internal bleeding… paree… nagdurugo ang pasyente…” ang sigaw ng isang nurse habang pinipigilan ang pagdaloy ng mga dugo nito sa mga sugat.

“Oh my God, bro, sumusuka na sila ng dugo,” ang wika naman ng isa pang pasyente.

Hanggang sa halus sabay na huminto sa pagpiglas ang dalawang pasyente. Biglang natahimik ang mga ito. Pinulsuhan nila pareho ang pasyente. Pilit na kinuha ang mga vital signs ng dalawa.

Muling nagtaka ang dalawang nurse. Parang malamig na bangkay ang mga pasyente subalit humihinga pa ang mga ito.

Naisipang kunin ng isang nurse ang thermometer at binasa iyon. Nashock ang nurse. “22 degrees!”

“Pare, delikado na ito, magkaka-hypothermia na ang mga ito,” ang nailing na wika ng isang nurse.

Natakot na ang dalawa, alam nilang maaring ano mang sandali ay babawian na ng buhay ang mga pasyente. Lalu pa nilang kinatok ang driver at sinabihan ito na bilisan ang pagmamaneho.

Tinitigan nila ang mga pasyente. Pakiramdam nila ay wala nang hininga ang mga ito. Magkaharap silang napaupo sa may paanan ng mga pasyente, kaagad na nagkulay pula ang kanilang mga puting uniporme. Pangalawang hatid na nila ito ng pasyente subalit hindi ganito ang naging sitwasyon kanina. Nanlambot ang dalawa. Marami na silang naging pasyente mula kanina, napasabak na rin sila sa mga pasyenteng may malalang corona virus subalit ngayon lamang sila nakaranas ng ganitong kaso.

Habang nag-uusap sila ay hindi nila napansin na nag-iiba na ang kulay ng dalawa, maputla na ang mga ito at kung pagmamasdang mabuti ay makikita ang nangngangalit na ugat sa kanilang mga katawan. Unti-unti ring nahupak ang mga pisngi ng dalawa at nalagas ang mga balahibo sa katawan. Bumilis din ang tibok ng puso ng mga into at huminto na ang pagdurugo ng mga sugat.

Naging mas mabilis ang takbo ng ambulansya, naging mas maingay din ang sirena nito kaya hindi nga napansin ng dalawa ang kakaibang ungol na nagmumula sa mga pasyente. Wala pa rin silang kamalay-malay sa pagkislot ng mga kamay at paa ng mga ito at ang dahandahang pagdilat ng kanilang mga mata. Unti-unting pumihit ang ulo ng isang pasyente at napatingin ito sa katabing pasyente na may sunog sa magkabilang bahagi ng kamay.

Dala na rin marahil ng pinagsamang puyat at pagod, pansumandaling ipinikit ng dalawa ang kanilang mga mata at saka inilapat ang mga katawan sa dingding ng ambulansya.

Maya-maya pa ay napadilat ang isang nurse.

Nagtama ang tingin nila ng isang pasyente na noon ay nakadukwang na sa kanya.

Nagulat ang nurse, napatitig sa mata ng pasyente, wala itong itim, puro puti. Maputla ang mga balat nito sa mukha, hupak ang pisngi, nakabuka ang bibig na puno ng dugo, umaangil, at tila galit na galit. Paluhod na lumapit ito sa kanya.

Tiningnan nya ang kanyang kasama at namangha sa kanyang nakita.

Nakaupo ang kanyang kaibigan, latag ang mga paa. At sa tabi nito ay ang isang pasyente, na noon ay nakaluhod at hawak ang kanang kamay nito. Kinakagat ng pasyente ang kanyang kasamahan, wakwak ang leeg ng nurse, umaagos ang dugo, wala na rin ang kanyang isang tainga. May malaking sugat din ang tiyan nito at bumubulwak ang dugo sa dibdib. Napadako rin ang kanyang paningin sa ikatlong pasyente at nanlaki ang kanyang mga mata sa kanyang nakita. Nakalaylay na sa kaliwang bahagi ng kama ang mga kamay at paa nito. Tumulo ang dugo mula sa sugat sa tiyan at sa leeg. Nakalabas ang mga lamang loob ng pasyente.

Napatingin din sya sa driver. Nakalugmok ang driver sa kanyang manibela at sa tabi nito ay ang isa pang nursing aide na katulad ng hitsura ng nasa loob ay hawak din ang kamay ng driver at sa tingin nya ay kinakagat nito ang driver.

“A-ano ang nangyari?” ang malakas na tanong nito sa sarili. Luminga-linga ang nurse at nagulat ito nang mahawakan ng isang pasyente ang kanyang binti. Mabilis nyang hinatak ang kanyang binti at saka humalikipkip. Niyakap nyang mabuti ang kanyang sariling hita. Pilit na ibinaluktot ang kanyang sarili dahil sa takot na nararamdaman.

Hindi na nakuhang sumigaw ng nurse. Mabilis nitong kinapa ang bukasan ng pinto ng ambulansya at saka binuksan iyon. Mabilis na tumalon ang nurse at saka kumaripas ng takbo. Tumalon din ang pasyente na noon ay buhay na buhay at hinabol sya.

“Oh my God…. Helppp… sakloloooo…helpppp….” ang wika nito. Nagtatakbo ito ng mabilis halus hindi nililingon ang humahabol sa kanya. Walang tigil sa pagsigaw at pagtakbo ang nurse
nagbabakasakaling may makarinig sa kanya. Tinahak nya ang kalaw St., at kumaliwa sa Roxas Blvd.

“Lumingon ito sa kanyang likuran, nakasunod pa rin ang pasyenteng humahabol sa kanya. Naisip nito ang kanyang kasamahan. Kitangkita niya ang nangyari dito lalu na ang hitsura nito na halus hindi na makilala dahil sa dami ng dugo sa mukha at katawan. Binilisan nya pa ang pagtakbo, hinubad niya ang kanyang sapatos para mas lalung mapabilis ang kanyang pagtakas, subalit nakasunod pa rin sa kanya ang pasyente nya na noon ay mas lalung lumakas ang angil at tila lalung nagalit sa kanya. Naging mas mabalasik ang hitsura nito.

Hanggang sa makakita sya ng grupo ng mga pulis na noon ay naglalakad patungo sa kanyang kinaroroonan.

Mabilis na na tumakbo ng nurse papunta sa mga pulis, nakakita ng pag-asa ang nurse. Binilisan pa niya lalu ang pagtakbo.

“Saklolooo… sakloloo…” ang sigaw nito sa mga pulis.

Sabay sabay na nagtinginan sa kanya ang mga pulis.

Napahinto ang nurse.

Nagtaka.

Nilingon nito ang papalapit na humahabol sa kanya.

“Diyos ko….” ang usal nito sa sarili. Napalingon ito sa paligid. Nanlaki ang kanyang ulo, kahit saan niya ipaling ang kanyang paningin ay may mga naghahabulan din at katulad ng nasaksihan nya sa ambulansya ay may mga taong nakahiga at may mga taong kumakain din sa mga ito. Nagkalat ang mga patay subalit ang ikinamangha nya ay may mga patay na bumabangon at nakikihabol sa ilang mga taong nagpipilit ding tumakas. Nanlata ang nurse. Hindi malaman kung saan patutungo lalu na’t nadagdagan pa ng ilan ang humahabol sa kanya.

Masakit ang unang kagat ng pulis sa kanyang leeg.

Pakiramdam nya ay mabilis na namanhid ang kanyang katawan. Isa pang pulis ang kumagat sa kanyang kanang braso bago siya inabutan ng pasyenteng humahabol sa kanya. Sa hindi kalayuan ay napansin nya ang kanyang kaibigan na patungo rin sa kanyang kinalalagyan. Mapuputi rin ang mga mata nito, maputla ang kulay ng balat. Sa nanlalabong paningin, naramdaman niya ang pagbaon ng ngipin nito sa kanyang kamay.

Samantala, nakarating na sa kanya-kanyang hospital ang mga ambulansyang nagdadala ng mga pasyenteng galing sa Hotel Maynila.

Lahat ng mga ito ay patungong emergency ward.

Previous Chapter:

International Coverage

Next Chapter:

LO BAT

Publication Source :    People's Tonight

Comments are closed.