Home>News>Events>Muling sasabak ang PNP sa UAE SWAT Challenge 2026, dala ang dangal at lakas ng Pilipino
Events

Muling sasabak ang PNP sa UAE SWAT Challenge 2026, dala ang dangal at lakas ng Pilipino

UAE SWAT Challenge 2025

Dubai, United Arab Emirates – Muling lalahok ang Philippine National Police (PNP) sa UAE SWAT Challenge 2026, isa sa mga pinakatanyag na pandaigdigang kompetisyon para sa mga Pangkat Taktikal ng Pulisya na ginaganap sa Dubai.

Makikipagtagisan ang koponan ng PNP laban sa mga piling tactical unit mula sa iba’t ibang bansa sa limang matitinding hamon na susubok sa lakas, katatagan, husay sa taktika, pagkakaisa at kakayahang rumesponde sa gitna ng matinding tensyon.

UAE SWAT Challenge 2025

Gaganapin ang kompetisyon mula ika-7 hanggang ika-11 Pebrero sa Training City sa Al Ruwayyah, Dubai.

Paanyaya sa Filipino community sa Dubai

Inaanyayahan ang ating mga kababayan sa Dubai na manood ng personal at suportahan ang koponan ng PNP. Libre ang tiket at maaaring makuha sa Virgin Megastore. Sama-sama nating ipakita ang suporta at pagmamalaki upang maramdaman ng ating delegasyon ang lakas at pagkakaisa ng Filipino community.

Para sa mga Pilipino sa Pilipinas at sa iba pang bansa

Para sa mga hindi makakadalo nang personal, maaari pa ring makiisa sa pamamagitan ng panonood ng live coverage sa opisyal na Youtube channel ng UAE SWAT Challenge. Hinihikayat ang lahat na manood, mag share, at mag cheer online para sa ating mga kapulisan.

Journal Online
A collection of noteworthy information on various topics from the Philippines and the rest of the world.
https://journal.com.ph