Home>News>Nation>Transport holiday ikakasa sa March 31

Transport holiday ikakasa sa March 31

MAGLULUNSAD ng nationwide transport holiday ang transport group sa March 31, 2021 laban sa phaseout ng jeepneys.

Ito ang inanunsuyo ng “Koalisyon Laban sa Phaseout” na binubuo ng iba’t ibang public utility vehicle (PUV) groups na Alliance of Transport Group Organizations, Pinagisang Samahan ng Tsuper at Operators Nationwide, Ugnayang JODA at Simbahan at UV Express Trinoma Federation.

March 21, 2021 ang deadline na ibinigay ng Department of Transportation at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (DOTr-LTFRB) para sa phaseout ang mga traditional jeepney at iba pang mga PUVs.

Makati City Pabakuna

Sa official statement, magsasagawa ng malaking assembly ngayon umaga sa Holy Trinity Academy, Quezon City upang ianunsuyo sa publiko ang series ng mobilization para sa ikakasang nationwide transport holiday sa March 27, 2021 bilang pagtutol at paglaban sa phaseout ng mga traditional jeepneys.

Ano na ang magyayari sa libo libong mga operators, drivers, mechanics, at mga pamilya namin oras na ipatupad na ang phaseout sa March 27, 2021? Saan pupulutin ang mga naapektuhan, hanggang ngayon walang malinaw na programa o anumang alternative livelihood ang DOTr-LTFRB para sa mga maapektuhang family o mga individual,”ayon sa grupo.

Sa hiwalay na interview nagpasabi ang ibang mga transport groups na suportado nila ang mga program at pagkilos na gagawin ng grupo laban sa phaseout ng mga traditional jeepneys, UV Express at iba pang PUVs.

Publication Source :    People's Tonight
Jun I. Legaspi
Reporter, People's Tonight