Home>Editorial>Miscellaneous>No mercy para sa holdupper at rapist ng teachers, utos ni VP Sara
Miscellaneous

No mercy para sa holdupper at rapist ng teachers, utos ni VP Sara

Hindi dapat binibigyan ng awa ang mga kriminal o sinumang kaaway ng estado. No mercy.

Ito ang mahigpit na direktibang ibinigay ni Vice President at Department of Education Secretary Sara Duterte-Carpio, laban sa pagala-gala pa ring mga suspek sa panghahalay at pagnanakaw kung saan apat na guro sa Camarines Sur ang biktima.

Inatasan din ni VP Sara ang Philippine National Police (PNP) na madaliin ang paghanap sa mga suspek, makaraang mabatid na may isang buwan na ang nakararaan ay wala pa ring lead ang PNP sa krimen.

Sa kanyang major command conference ay ipinatawag nito ang liderato ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at PNP para humingi ng update hinggil sa criminality at communist insurgency at doon na iniutos ni VP Inday Sara na madaliin ang paglutas sa kaso mga teacher na ginahasa at hinoldap.

Layunin din ng pagpapatawag ni VP Sara ng pulong na matiyak na ligtas at maayos ang peace and order situation habang nasa labas ng bansa ang Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos, Jr. na dumadalo sa official state functions sa Indonesia at Singapore.

Idinulog ni VP Inday Sara kay Police Deputy Director for Administration Lt. Gen. Chiquito Malayo ang nasabing kaso ng mga guro at kabilang umano sa nais niya ang mabigyan agad ng katarungan ang panggagahasa at panghoholdap sa apat na guro sa isang paaralan sa bayan ng Ocampo sa Camarines Sur noong nakalipas na buwan.

Bangag umano sa iligal na droga ang mga suspek nang harangin ang mga papauwi na guro na hinoldap, kung saan kinuha ang mga cellphone at cash ng mga nasabing teacher.

Di pa umano nakuntento ang mga suspek dahil dinala pa umano sa comfort room ng paaralan ang dalawang dalaga na teacher at doon isinagawa ang panghahalay sa kanila.

Itchie G. Cabayan
DIRECT HIT entertains comments, suggestions or complaints. Please have them emailed to [email protected] or text 0917-3132168.