Home>Editorial>Opinion>2 dating DepCom ng BoC, patay sa COVID!

2 dating DepCom ng BoC, patay sa COVID!

NOONG nakaraang linggo, dalawang dating opisyal ng Bureau of Customs (BoC) ang namatay dahil sa COVID-19.

Ito’y sina dating Deputy Commissioners Danilo “Danny” Lim at Reynaldo “Rey” Umali.

Ang dalawa ay halos magkasunod na namatay na pilit nilalabanan ang salot na COVID-19 sa St Lukes, BGC sa Taguig City.

Nang mamatay si Lim noong Enero 6, siya ang kasalukuyang chairman ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Si Lim, retiradong army general, ay isa sa mga Pinoy na produkto ng United States Military Academy sa West Point.

Nabansagang na “rebel soldier” dahil sa paglahok sa mga coup laban sa gobyerno, ang dating heneral ay tubong Solano, Nueva Vizcaya.

Nakilala siya dahil sa pakikipaglabanan niya para sa maayos na pamamahala ng mga kasundaluhan at ng bansa.

Lubhang naging abala si kaibigang Danny sa pagpapatakbo ng MMDA upang maibsan ang hirap ng mamayan dahil sa kaugnay ng trapiko at pagbabaha sa Kalakhang Maynila.

Si Gen. Lim ay hindi man lang nasangkot sa anumang anomalya sa buong panahon ng panunugkulan niya sa BoC at MMDA.

Katulad ni Gen. Danny Lim, si Rey Umali ay naging BoC Deputy Commissioner din bago pumalaot sa pulitika.

Mula 2010 hanggang 2019 ay miyembro siya ng House of Representatives bilang kinatawan ng Oriental Mindoro.

Pinamunuan niya ang makapangyarihang House Justice Committee.

Ayon na rin sa balita, si Cong. Rey Umali ay mayroon ding cancer.

Dahil sa pagkamatay ng dalawa, marami sa mga kaibigan at dating tauhan sa BoC ang nagdadalamhati. Pareho kasi silang nirerespeto sa aduana dahil sa magaling na pamumuno sa kanilang mga nasasakupan.

Sa mga naulila nina Lim at Umali, nakikiramay po kami sa inyo.

Rest In Peace, mga kaibigang Danny at Rey.

***

Subsob talaga sa trabaho ang mga taga-BoC sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Lalo na sa CMEC (Central Mail Exchange Center) sa Pasay City.

Makati City Pabakuna

Dito ay laging abala ang mga tauhan ni BoC-NAIA District Collector Mimel Singson Manahan-Talusan.

Marami kasing paraan para makalusot ang mga kontrabando na nakatago sa mga parcel.

Pero specially-trained naman ang mga tao ni Collector Talusan para mabuko ang mga smuggle try.

Kagaya na lang noong nakaraang linggo.

Nakakumpiska na naman ang BoC-NAIA-CMEC ng mahigit 500 ecstasy tablets o party drugs.

Galing ng Netherlands, ang mga kontrabando, na deklaradong mga dokumento, ay nagkakahalaga ng P1 milyon.

Agad na ibinigay ng BoC-NAIA ang mga tableta sa PDEA para sa malalimang imbestigasyon.

Kasama ang PDEA at NAIA Inter-Agency Interdiction Task Group sa kampanya laban sa illegal drugs sa pangunahing international airport ng bansa.

***

Noong Martes, Enero 5, ay binisita ni Finance Secretary Carlos Dominguez ang bagong bukas na Customs Operations Center (CoC) sa aduana.

Kasama ni Dominguez sa inspeksyon si DoF Undersecretary Antonette C. Tionko.

Sa isang audio-visual presentation, ipinakita ni BoC Chief Rey Leonardo Guerrero ang mga pasilidad at gawain ng operations center.

Ang facility ay pinamumunuan ni Retired B/Gen Noli Samarita.

Nasa center ang Intelligence, Enforcement, Risk Management at Scanning Systems ng BoC.

Nagsisilbi itong command at control center ng intelligence at enforcement operations ng 17 collection districts ng ahensya.

Nang binuksan ang center noong Disyembre 16, sinabi ni Guerrero na instrumental si Dominguez sa establishment ng opisina.

Dinisenyo ang center para sa “efficient discharge of the functions” ng CIIS at ESS.

(Para sa inyong komento at suhestiyon, tumawag o mag-text sa #0921-4765430/email:vicreyesjr08@yahoo.co. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan. )

Publication Source :    People's Tonight