Home>News>Nation>Pagbibibgay ng noodles sa mangingisda pinuna

Pagbibibgay ng noodles sa mangingisda pinuna

PINUNA ng grupong Kilos Pinoy Para Sa Pagbabago (KPPP) ang Tsina sa umano’y pagbibigay ng noodles sa mga mangingisda sa Bajo de Masinloc, Zambales at ibang bahagi ng West Philippine Sea.

Sa tuwing may engkwentro ang ating mga mangingisda sa patrol boat ng China ay sinusuhulan nila ang mga Pilipinong mangingisda ng noodles kapalit ng mga isdang kinukumpiska nila,” ayon sa grupo.

Hindi kailanman pwedeng ipalit ang noodles sa isda na pag-aari ng ating mga mangingisda. Patuloy ang pambabastos nila ,” ayon sa grupo.

Napag-alaman na noodles ang ibinibigay ng mga sundalong Instsik sa mga mangingisdang sinisita nila sa karagatan ng Masinloc at sa ibang bahagi ng West Philippine Sea.

Ipinahayag din ng Kilos Pinoy ang kanilang suporta sa progresibong grupo na KALikha UP Diliman na binabalak magtanghal ng isang exhibit at artistikong pagprotesta na may kasamang online exhibit sa katapusan ng Marso.

Makati City Pabakuna

Layunin ng exhibit na ipakita sa pamamagitan ng iba’t-ibang art forms at media ang epekto umano ng mga gawain ng Tsina sa mga Pilipino at sa soberanya ng bansa.

Dagdag pa ni National Advocacies and Campaigns Officer Amber Quiban, plano nilang magsagawa ng online webinar sa Abril sa pamamagitan ng Zoom. Layunin ng webinar na talakayin ang mga politikal at sosyan na implikasyon ng mga nangyari sa Bajo de Masinloc at Catanduanes.

Nais lang namin na i-highlight na naaapektuhan ang kabuhayan ng mga Pilipino na nasa laylayan at mas lalo nitong pinahihirap ang sitwasyong pinalala na ng pandemya,” paliwang ni Quiban tungkol sa kanilang mga planong aktibidad.

Dagdag pa ni Danicah Chaves, Chairperson ng UP College of Arts and Letters Freshies, Shiftees, and Transferees Council, “Ang kalayaang ipinaglaban ng ating mga ninuno ay hindi natin kailanman isusuko. Hindi tayo magpapa-api.