Home>Entertainment>Showbiz>Van ni Maja marami ang namamangha
Showbiz

Van ni Maja marami ang namamangha

Maja Salvador
Maja Salvador

MARAMING followers ng actress, singer, dancer and host na si Maja Salvador ang natuwa nang i-share niya sa kanyang YouTube channel ang kanyang brand new van na kanyang pina-customize. Makikita sa ceiling ng van ang star lights na puwedeng magiba-iba ng kulay. Meron din siyang tinatawag na captain’s seats na pwedeng ma-recline at may built-in massager, meron din itong sariling TV kung saan siya puwedeng makapanood ng iba’t ibang programa including streaming movies, may iba’t ibang cabinets na puwedeng paglagyan ng kanyang mga gamit, auto-window blinds para magkaroon siya ng privacy o di kaya ay puwede siyang magbihis at iba pang gadgets.

Kinu-consider ni Maja na parang second home na niya ang kanyang van dahil nakakapagpahinga siya nang husto in preparation for her work.

Although isa si Maja sa homegrown talents ng ABS-CBN, napapanood na siya ngayon sa katapat ng programa ng “ASAP Natin `To” kung saan siya nagsimula, ang “Sunday Lunch Live” kung saan din niya kasama ang isa pang Kapamilya originals na sina Piolo Pascual at Donny Pangilinan. Ang nasabing programa ay isa sa mga produced programs ng Brightlight Productions na pinamumunuan ng businessman at dating kongresista na si Albee Benitez.

Beauty queen takot na dumami ang turista sa Siargao

MARAMI ang na-discover ang two-time beauty title holder (2017 Bb. Pilipinas-Intercontinental and 2018 Miss World Philippines) former VJ at dating athlete na si Katarina Sonja Rodriguez (28) sa kanyang seven months na mamamalagi sa Siargao magmula nung lockdown in March 15, 2020. At kasama na rito ang simpleng pamumuhay sa island resort na siyang kinu-consider ngayong second home ng Siargao-based actress na si Andi Eigenmann.

Ayon sa dating beauty queen, maaga umano natutulog ang mga tao sa Siargao at maaga rin sila nagigising. Covid-free rin ang island resort.

Since bukas na muli sa mga turista ang Siargao, umaasa si Katarina na sana’y ma-maintain ng isla ang pagiging Covid-free area nito.

Harlene suportado ni Freddie

LAST December 5 ay nag-celebrate sina Harlene Bautista at Federico Moreno ng kanilang ika-4th monthsary bilang magkasintahan. At habang tumatagal ang kanilang relasyon ay lalo umano nila nadi-discover ang kanilang mga sarili that they really are meant for each other.

Parehong supportive sina Harlene at Freddie sa kanilang respective businesses pero hindi umano dumating sa punto na pinakikialaman nila ang magkahiwalay nilang negosyo tulad ng pagiging film producer ng actress.

“I am just there to support her,” pahayag ni Federico na dumalo sa pocket press preview ng upcoming Metro Manila Film Festival entry ng Heaven’s Best Entertainment, ang “Isa Pang Bahaghari” na tinatampukan nina Nora Aunor, Phillip Salvador at Michael de Mesa mula sa panulat ni Eric Ramos at direksiyon ni Joel Lamangan.

Samantala, sa kabila ng pagiging busy ni Harlene sa kanyang limang anak at bilang producer, kumukuha rin siya ng kanyang master’s degree in Entrepreneurship sa Asian Institute of Management online. Si Harlene ay nagtapos ng Theater Arts sa University of the Philippines nung 2000.

Samantala, bukod sa “Isa Pang Bahaghari,” may dalawa pang pelikulang naka-can ang Heaven’s Best Entertainment. Nariyan ang pang-Mother’s Day presentation na “In the Name of the Mother” na pinagbibidahan ni Snooky Serna at dinirek ni Joel Lamangan at ang “Luisa Loves Luis” na tinatampukan nina Ken Chan at Rita Daniella mula sa direksiyon ni Louie Ignacio at joint venture ng GMA Films at Heaven’s Best.

Dennis pagsasabayin ang tatlo

MASUWERTE ang actor-singer na si Dennis Trillo dahil tatlo ang kanyang leading lady sa kanyang bagong teleserye na “Legal Wives” mula sa panulat ng GMA in-house creative writer na si Suzette Doctolero at pinamamahalaan ng writer-director na si Zig Dulay.

Dennis plays the role of a Maranaw Muslim royalty na si Ishmael who will marry three different women na ginagampanan nina Alice Dixson (as Amirah), Andrea Torres (as Diane) at Bianca Umali (Farrah) na may magkakaibang rason kung bakit niya pinakasalan ang tatlo.

Nagsimula na silang mag-taping na naka-lock in last December 1.

Nakadalawa na si Andrea, wala pa si Derek

MARAMI ang nakapansin na madali umanong nakapag-move on ang sexy actress na si Andrea Torres after her break-up with athlete-actor Derek Ramsay.

Aminado si Andrea na work ang kanyang therapy para madaling makalimot. Bago siya nagsimulang mag-taping for “Legal Wives” ay napanood din siya sa special drama anthology na “I Can See You” habang si Derek ay wala pang bagong TV assignment sa Kapuso Network matapos ang kanilang TV series na “The Better Woman” nung isang taon na pinagtambalan nila ni Andrea at kung saan nagsimula ang kanilang love affair.

Gabby pabata nang pabata ang leading lady

MATAPOS mapanood sa isang hit afternoon TV drama series na ‘Ika-6 na Utos,’ balik ang 56-year-old actor na si Gabby Concepcion sa isang bagong serye ng Kapuso network, ang “First Yaya” na pinagtatambalan nila for the very first time ni Sanya Lopez (24).

Natutuwa ang dating matinee idol at ama ni KC Concepcion na nakakagawa pa rin umano siya ng mga proyekto kung saan mga batang aktres ang kanyang nakakapareha.

Excited naman si Sanya sa first team-up nila ni Gabby na dati-rati’y kanya lamang pinapanood noong bata pa siya.

The role of Sanya was originally intended for Marian Rivera who begged off dahil hindi niya kayang iwan ang dalawa niyang mga anak na sina Zia at Ziggy habang naka-lock in taping din ang kanyang mister na si Dingdong Dantes sa tumatakbo nitong primetime TV series na ‘Descendants of the Sun.’

Watch, subscribe, like, share and press the bell button of “TicTalk with Aster Amoyo” on YouTube and follow my Instagram @asteramoyo.