Home>Editorial>Opinion>DA ‘anti-smuggling unit,’ dapat lang buwagin

DA ‘anti-smuggling unit,’ dapat lang buwagin

NANOOD tayo ng committee hearing ng Ways and Means Committee ng House of Representatives, kahapon, dear readers, sa pangunguna ng batikang mambabatas at kilalang ekonomista na si Albay Rep. Joey Salceda.

Ang isyu kasi ay ang “paborito ng lahat” na walang iba kundi ang “smuggling.

‘Yun nga lang, sa halip na ang “magisa” at “mabaterya” ng mga mambabatas ay ang Bureau of Customs (BOC) at ang ‘Team Jagger’ ni Comm. Rey Leonardo Guerrero, ang “nalabhan” ng “walang banlawan” ay ang Department of Agriculture (DA) at si Sec. William Dar, hehehe, ayy, huhuhu!

Ang unang “nagpataas ng kilay” ng ating mga kongresista ay ang “desisyon” ng DA, na muli pang “ibaba” sa limang porsiyento, mula sa kasalukuyang 40 porsiyento, ang “taripa” sa mga ‘prime cut meat’ o karneng baboy na pang-araw-araw na binibili ng mga Pinoy sa mga palengke—at siya namang isinusuplay ng ating mga nag-aalaga ng baboy o nang ating mga ‘backyard raisers.’

At malaki ang tama ng ating mga mambabatas ng punahin nila na ang tanging “mabibiyaaan” ng hirit ni Dar ay ang mga supermarket at mga “malls” na tanging pinapayagan na magbenta ng mga imported na karneng baboy.

At paano bang hindi rin “mapipikon” ang mga mambabatas sa “plano” ni Dar na “papirmahan” kay Pang. Digong ang ‘executive order’ para sa mababang taripa ng karneng baboy sa huling linggo ng Marso—kung kailan “nakabakasyon” ang Kongreso?

Kung ‘under recess’ kasi ang Kongreso, wala na itong magagawa—kahit “maglupasay” pa ang ating mga kongresista, kasama ni si Rep. Joey, exactly!

Kumbaga, estilong gusto silang “gulangan,” ehek, “maisahan” ni Sec. Dar at ng mga “oligarko,” kasehodang tuluyan ng matigok ang ating mga magsasaka, hehehe!

Makati City Pabakuna

***

Isa pang “napag-initan” ng mga kongresista ay itong ‘CREST-O’ (Compliance and Regulatory Enforcement for Security and Trade Office) na itinayo ni Dar noong Oktubre 2019, isang anti-smuggling unit na “pangontra” (daw) ng DA sa smuggling ng mga ‘agri products.’

Aber, halos dalawan taon na pala itong “tanggapan” na ito na hepe ay si ex-PNP general, Jonathan Ablang, pero, ayon kay Cong. Joey, “P12.7 milyon” pa lang ang halaga ng mga nakumpiskang produkto—at wala pa ring nakakasuhan hanggang ngayon, wahh!

Aba’y “panis na panis” ito sa ‘accomplishment’ ng BOC noong isang taon na higit P10 bilyon ang nakumpiskang mga produkto, habang halos magsikip na ang opisina ng Department of Justice sa dami ng mga smuggler at mga kasabwat nila na nakasuhan ng BOC.

Aber, eh, ngayon nga, lampas na sa P300 milyon ang “nasabat” ng BOC samantalang itong tanggapan ni Ablang, “bokya” pa rin, ano ba naman yan, hehehe!

Hmm. Kung sino man ang nagpanukala kay Sec. Dar na itayo yang ‘CREST-O,’ na ‘yan, mas mainam pa na buwagin na lang niya—ngayon na!

Hindi pa ba kasi malinaw sa kanya na bukod sa pagiging inutil, walang silbi, may “kumikita” dyan na marahil ay wala siyang kaalam-alam.

Kahihiyan” lang, Mr. Secretary, ang ibinigay sa iyo ng task force mo na yan at, aminin natin, hindi nakatulong sa kampanya laban sa smuggling. Peks man!

Publication Source :    People's Tonight