Home>News>Provincial>Pagpapalipad ng drone sa bahay inireklamo ng solon

Pagpapalipad ng drone sa bahay inireklamo ng solon

Angelina Tan
Quezon Rep. Angelina Tan

HINILING ni Quezon Rep. Angelina Tan sa National Bureau of Investigation (NBI) na imbestigahan ang pagpapalipad ng drone sa kanyang bahay na inilagay pa sa social media.

Sa kanyang complaint affidavit, inireklamo ni Tan sa NBI Lucena City na may taong nag o-operate ng website na https://sovereignph.com/ at iba pang accounts sa online platform katulad ng Instagram at Tiktok na nagpo-post ng malisyosong larawan at video ng kanilang bahay ng kanyang asawang si Engr. Ronnel Tan, regional director ng DPWH Region 1.

Sinabi ni Tan na nalaman niya ang nasabing bagay noong Disyembre 1 matapos iparating sa kanyang kaalaman ng kanilang mga kaibigan at supporters.

Partikular na tinukoy ni Tan ang pinost sa Tiktok ng isang username na @sovereignpb kaugnay sa isang maikling video clip na nagpapakita sa mukha ni Tan at kanyang asawa na may nakasulat umano na “corrupt officials”.

Habang sa Tiktok post naman ay mga negatibo at malisyosong komento at video clip na nagpapakita ng drone footage ng property na umano’y pag-aari ng mag-asawa.

Bukod dito, sinabi ni Tan na naka post din ito sa website ng sovereignph.com na may address na https://sovereignph.com/2020/11/10/doj-urged-to-probe-hospitals benefitting-from-illegal-irm-including-hospital-owned-by-rep-angelina-tan/.

Makati City Pabakuna

Iginiit ni Tan na malinaw na paglabag sa right to privacy at illegal surveillance ang ginagawang pagpapalipad ng drone sa kanilang bahay.

Aniya, nagbibigay din ang mga naka-post sa Tiktok at Instagram ng mga alegasyon ng katiwalian sa kanilang mag-asawa na naglalayong sirain ang kanilang pamilya.

Subalit, ayon kay Tan, ang pagkakakilanlan umano ng mga taong nasa likod nito ay hindi kilala dahil nagtatago lang sila sa iba’t ibang username tulad ng @sovereignph at iba pa.

Dahil dito, hiniling ni Tan kay NBI Lucena Director Dominador Villanueva III na imbestigahan kung sino ang mga taong nasa likod ng pagpapakalat sa social media ng umano’y malisyosong video clips.

Kaagad namang ipinadala ni Villanueva kay NBI Director for Regional Services Atty. Antonio Pagapat ang video clips para sa forensic exam at matukoy kung sino ang mga taong nasa likod nito.

Publication Source :    People's Tonight