Home>Editorial>Opinion>BoC suportado ang PACC laban sa katiwalian

BoC suportado ang PACC laban sa katiwalian

SUPORTADO ng Bureau of Customs (BoC) ang kampanya ng Philippine Anti-Corruption Commission (PACC) laban sa katiwalaan sa gobyerno.

Sa katunayan, pumirma ang BoC sa isang manipesto laban sa korapsyon.

Ang signing ceremony ay ginanap sa Ocom Conference Room, Port of Manila (PoM).

Lumagda si BoC Chief Rey Leonardo “Jagger” Guerrero sa nasabing manifesto.

Ang aktibidad ay dinaluhan nina PACC Chairman Greco Belgica at PACC Executive Director Fortunato Guerrero.

Sa kanyang pahayag, sinabi ni Jagger na tuloy-tuloy ang Internal cleansing program ng BoC.

Alam ni Commissioner Guerrero na mahalagang mawala sa ahensya ang mga tiwaling lingkod bayan.

Lalo na ngayong nandiyan ang pandemya.

Kailangang huwag mapunta ang buwis sa mga malalalim na bulsa ng mga magnanakaw sa aduana.

Dapat lang!

***

Nagbabala ang Bureau of Customs (BoC) sa posibleng pagkalat ng mga pekeng bakuna laban sa COVID-19.

Dahil sa kakulangan ng bakuna sa bansa, hindi malayong gumawa ng mga pekeng bakuna laban sa COVID-19 ang mga “unscrupulous entities.”

Huwag nating kalimutan na ang mga pekeng bakuna ay “injurious to public health and safety.

Pinayuhan din ng BoC ang publiko na magpabakuna lamang sa mga government-accredited na ospital at klinika.

Nanawagan din ang BoC sa taumbayan na tumulong para mahuli ang mga magtitinda ng mga pekeng bakuna at gamot.

Makati City Pabakuna

Determinado ang BoC na siguruhing mabilis at maayos ang paglabas ng mga bakuna sa mga paliparan.

Ito ay pagsunod sa kagustuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte na bilisan ang pagbakuna sa taumbayan.

Sa totoo lang, all-out ang suporta ng BoC sa vaccination program ng gobyerno.

Okay yan, Sir Jagger.

***

Malaki ang naitutulong ng mga sniffing dog sa kampanya laban sa illegal drugs.

Kaya laking tuwa ng publiko nang magtayo ang BoC at PDEA ng unang K-9 baracks sa aduana noong Biyernes, Marso 26.

Sa pamamagitan ng BoC-ESS, itinayo ang barracks sa Warehouse 159, Port of Manila South Harbor, Port area, Manila.

Ang barracks ay magiging tirahan ng 12 sniffing dogs at ang kani-kanilang handlers.

Ang mga turuang aso ay ide-deploy sa PoM at MICP, dalawa sa mga major collection districts ng BoC.

Ang pagbubukas ng K-9 barracks ay dinaluhan ng mga opisyal ng BoC at PDEA.

Dumalo mula sa PDEA, sina Randy Pedroso, Wardley Gotalla, Rogelito Daculla at Erwin Magcamit.

Ang mga taga-BoC naman ay pinangunahan ni Depcom Donato San Juan, ESS Director Yogi Felimon Ruiz at Maj. Isabelo Tibayan lll, Acting Chief ng Customs Police Division.

Sinabi ni Depcom San Juan na magbubukas ng kaparehong barracks sa iba’t-ibang parte ng bansa.

Kayang-kaya ng mga turuang aso na amuyin ang mga nakatagong iligal na droga sa mga kargamento.

(Para sa inyong komento at suhestiyon, tumawag o mag-text sa #0921-4765430/email:Tingnannatin08@gmail.com. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan.)

Publication Source :    People's Tonight