Home>Entertainment>Showbiz>Youtube malaking tulong sa mga celebrity sa gitna ng pandemya

Youtube malaking tulong sa mga celebrity sa gitna ng pandemya

Kristel Fulgar
Kristel Fulgar

NAGPAPASALAMAT sa viewers ng kanyang YouTube channel ang dating child star now 26-year-old singer-actress and vlogger na si Kristel Fulgar na nakakatulong na sa kanya at sa kanyang pamilya laluna sa gitna ng pandemya.

Kristel Fulgar Youtube Channel
Kristel Fulgar

Si Kristel ay meron nang 1.24m subscribers.

Dahil sa kinikita ng young actress sa YouTube ay nabibili na umano niya ang kanyang mga personal na pangangailangan gayundin ng kanyang pamilya. Nakabili na rin siya ng bagong sasakyan at nagpapatayo siya ngayon ng kanyang dream house. Ayon sa aktres, hindi umano ito magiging posible kung hindi rin sa suporta ng mga nanonood nito although kumikita naman siya kahit papaano bilang singer at actress.

Maraming celebrities ang natutong mag-vlog sa kasagsagan ng pandemya nung isang taon dahil marami sa kanila ang nawalan ng trabaho at pagkakakitaan.

Maging ang dating child actor na si Buboy Villar ay sa pagba-vlog din nagmumula ang ikinabubuhay gayundin ang kauna-unahang grand winner ng “The Voice Kids Philippines” na si Lyca Gairanod.

Sina Lyca at Buboy ay may tig-1.24M at 1.26M subs na rin, respectively.

Ang dating child star now teenstar na si Andrea Brillantes ay may 2.4m subs na at malaki ang naitulong ng kanyang YouTube channel sa pagpapatapos ng ipinatayong bahay.

Pero ang celebrity vloggers na talagang hataw ang kinikita include Raffy Tulfo with 18.1m, Ivana Alawi with 10.6m, Alex Gonzaga with 9.4m, Vice Ganda with 4.16m, Toni Gonzaga with 1.14m, singer-actress Donnalyn Bartolome with 6.14m, Will Dasovich with 2.64m, Kathryn Bernardo with 2.67m at iba pa.

Bea at Dominic lumalantad na

Dominic Roque and Bea Alonzo
Dominic Roque and Bea Alonzo

NOONG isang taon pa napabalita na ang Kapamilya actor na si Dominic Roque ang bago umanong inspirasyon ng kapwa Kapamilya actress na si Bea Alonzo. Ito ay matapos ang relasyon niya kay Gerald Anderson na nali-link naman ngayon kay Julia Barretto. Bago si Gerald ay naging kasintahan din ni Bea ang yumaong actor na si Mico Palanca at si Zanjoe Marudo.

Si Dominic ay pamangkin ng San Francisco, California, USA-based actress na si Beth Tamayo.

Since 33 na si Bea, nasa isip na rin nito ang magkaroon ng sarili niyang pamilya.

Samantala, nag-post ng magkahiwalay na picture sina Bea at Dominic na kuha sa iisang restaurant in Bonifacio Global City in Taguig kung saan sila kumain ng wagyu beef.

Ngayong unti-unti na ring ibinabahagi nina Bea at Dominic ang kanilang relasyon, ganoon din naman sina Gerald at Julia kahit wala silang picture na magkasama sa iisang lugar na kanilang pinupuntahan.

Makati City Pabakuna

Since pare-pareho naman silang nakapag-move on, wala na siguro silang dapat ipangamba kung aminin na rin nila finally sa publiko ang tunay nilang relasyon. After all, pare-pareho naman silang single at walang sabit.

Meghan malakas ang impluwensya kay Prince Harry

Prince Harry and Meghan Markle
Prince Harry and Meghan Markle

ISANG taon na rin last January 8 magmula nang ihayag ng mag-asawang Prince Harry at Meghan Markle ang kanilang pagkalas sa royal family para mamuhay sa Los Angeles, California, USA independently kasama ang kanilang almost two years old son na si Archie Harrison Mountbatten-Windsor. Sa darating na March ay one year na rin silang namimirmihan sa Amerika at mukhang adjusted na sa kanilang pamumuhay doon laluna si Prince Harry na mula sa kanyang pagsilang at paglaki ay bahagi na ng British royal family.

Si Prince Harry ay bunso sa dalawang anak nina Prince Charles at ang yumaong si Princess Diana. Ang kanyang elder brother ay si Prince William. Si Prince Charles ang susunod sa British throne kasunod si Prince William.

Sa kabila na sa Amerika na namimirmihan ngayon sina Prince Harry, Megan at anak nilang si Archie, regular pa rin ang komunikasyon ng una sa kanyang pamilya laluna sa kanyang Grandmother Queen na si Queen Elizabeth II of England at sa amang si Prince Charles.

Since magbi-birthday (his 100th year) ang grandfather ni Prince Harry na si Prince Philip sa darating na June, inaasahan na dadalo sila ni Megan and their son na si Archie. Magbi-birthday rin ang isa pang grandfather ni Prince Harry, ang Duke of Edinburgh kaya malamang na um-attend din sila.

Mukhang malakas ang influence ni Meghan sa kanyang second husband na si Prince Harry dahil nakumbinse niya itong mamuhay nang normal sa Amerika at i-give up ang kanilang royal family life sa England.

Kris at Herbert magsasamang muli

SA kabila na hindi nagtuluy-tuloy ang relasyon noon nina Kris Aquino at Herbert Bautista, nanatiling magkaibigan ang dalawa.

Sina Kris at Herbert ay parehong nasa pangangalaga na ngayon ng Cornerstone Entertainment kaya naging posible ang pagsasama nila sa isang video show produced ng kanilang management company, ang “He Said, She Said.” Kung nanaisin nina Kris at Herbert, maganda siguro kung gagawin na nila itong online or TV show at ipalabas sa TV5 kung saan naudlot ang TV comeback ng tinaguriang Queen of All Media nung isang taon.

Hindi naman kaya ma-rekindle ang pag-iibigan ng dalawa?

Inamin noon ni Kris na dalawang beses umano nag-propose ng marriage sa kanya ang dating alkalde ng Quezon City na nananatiling binata pa rin hanggang ngayon.

Subscribe, like and share “TicTalk with Aster Amoyo” on YouTube and follow me on Instagram and Facebook:@asteramoyo and Twitter:@aster_amoyo

Publication Source :    People's Journal
Aster Amoyo
Talent manager, TV host, vlogger