Home>Entertainment>Showbiz>Alden gustong maging international star

Alden gustong maging international star

Alden Richards
Alden Richards

SA kabila ng mga achievement, marami pa ring gustong ma-achieve ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards lalo na sa kaniyang career ngayong Bagong Taon. Isa na rito ang pagsabak sa international acting roles.

Sa interview niya sa 24 Oras, ibinahagi ni Alden na kabilang sa mga gusto niyang matupad this year ay ang makakuha ng projects abroad. “Isa ‘yon sa mga top priorities for next year. Para something new rin. Para level up din ‘yung trabaho natin.”

Magiging busy ang 2021 para kay Alden dahil may mga naka-linya na agad siyang series, pelikula, at TV show. Nang tanungin siya tungkol sa kaniyang New Year’s resolution, simple lang at straightforward ang naging sagot ng Kapuso star. “Sa 10 years ko sa industry, ang New Year’s resolution ko talaga is really not to make any para walang pressure. It’s just about self-recreation and being a better version of you than last year. Move forward lang and be better with your decisions.”

Nagdiwang si Alden ng ika-29 niyang kaarawan noong January 2 at bagama’t intimate lang ang kanilang naging selebrasyon, puno pa rin siya ng pasasalamat sa mga taong nagmamahal at patuloy na sumusuporta sa kanya.

Ruru from showbusiness to shoe business

Ruru Madrid
Ruru Madrid

BUKOD sa paghahanda para sa biggest action-adventure series ng GMA Public Affairs na Lolong, papasukin din ni Kapuso actor Ruru Madrid ang shoe business ngayong 2021.

Ibinahagi ito ni Ruru sa interview sa GMANetwork.com, “Magtatayo ako ng business ng sapatos, itutuloy ko ‘yan! Kailangan mas magpursige ako rito sa ‘Lolong.’ Kung dati binibigay ko is 100% kailangan this time dodoblehin ko titriplehin ko pa. Ganu’n ako magiging dedicated sa trabaho.”

Isa rin sa kanyang New Year’s resolution ay ang panatilihing fit at healthy ang kanyang katawan. “Lagi ko sinasabi na next year dapat ma-reach ko na ‘yung goal ko na katawan. Dapat next year maging mas healthy ako. So, uulitin ko lang ulit ‘yon kasi kahit papaano naman kahit hindi ko na-achieve totally ‘yung gusto ko [last year], kahit papaano may nangyayari naman.”

Makati City Pabakuna

Hindi naman niya sinabi kung aaminin na nila ni Bianca Umali ang tunay na status ng kanilang relasyon.

Richard Kapuso na kahit nasa kabilang network pa

Richard Yap and Eugene Domingo
Richard Yap and Eugene Domingo

INAABANGAN na ang paglabas ng bagong Kapuso star na si Richard Yap sa comedy anthology na ‘Dear Uge’ ngayong Linggo (January 10).

Kahit na kakapirma pa lang ni Richard sa Kapuso Network noong December 16, sumabak na agad ang aktor sa taping para sa kanyang first ever Kapuso project. Makakatambal dito ni Richard ang mahusay na aktres na si Eugene Domingo.

Sa Instagram ay pinasilip ni Eugene ang ilan sa kanilang kaabang-abang na eksena ni Richard, “Our very first fresh episode for 2021 with Richard Yap! Abangan this Sunday sa #DearUgePresents Jing, ang Bato!”

Bukod sa Dear Uge ay bibisitahin din ni Richard ang The Boobay and Tekla Show na bahagi ng kanyang plano na sumubok ng ibang genre bukod sa heavy drama kung saan siya nakilala.

Ang isa pa sa gustong matupad na pangarap ni Richard ay ang makasali sa ‘Bubble Gang.’ Avid viewer siya ng naturang gag show, kaya maituturing nang Kapuso si Richard kahit noong nasa kabilang network pa siya.

Publication Source :    People's Journal
Eugene E. Asis
Founding Member: Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) / Entertainment Editor, People's Journal