Home>Entertainment>Showbiz>Janella mahirap gisingin, sabi ni Joshua

Janella mahirap gisingin, sabi ni Joshua

Janella Salvador
Janella Salvador and Joshua Garcia

AYAW patawag ni Maja Salvador kay Janella Salvador ng Tita kahit pamangkin sa pinsan ng una ang huli.

Okay lang kay Maja ang “ate,” ‘wag lang ‘Tita,’ dahil pakiramdam niya tumatanda siya sa tawag na ito.

Pero halatang sobra ang lakas ng lukso ng dugo ng dalawa dahil naging close sila habang ginagawa ang “The Killer Bride” na malapit na ring magtapos sa ere.

Makati City Pabakuna

Mabilis din kung ipagtanggol ni Maja si Janella, lalupa’t mukhang naiipit ito sa isang situwasyon. Sa thanksgiving presscon ng “The Killer Bride,” sinabi ni Joshua Garcia na “Hindi mahirap katrabaho si Janella…mas mahirap siyang gisingin.”

Na kaagad namang nilagyan ng malisya ng ilang reporter at vlogger. “Private joke ‘yun,” kaagad na sinalag ni Maja ang tanong ng isa kung paano raw nalaman ni Joshua na mahirap gisingin si Janella. “Alam nyo yun sa mga magkakaibigan, may mga biruang ganyan. Pero hindi sila magdyowa.”

Open na rin naman sa lahat na mukhang close na si Janella sa isa pang ABS-CBN young actor, si Markus Paterson, samantalang loveless at ayaw munang makipagrelasyon ni Joshua sa ngayon. Mukhang na-trauma siya sa nangyari sa kanila ni Julia Barretto na unti-unti na ring nabubunyag ang relasyon kay Gerald Anderson.

Publication Source :    People's Journal
Eugene E. Asis
Founding Member: Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) / Entertainment Editor, People's Journal