Home>News>Nation>Lalaki pinatay dahil sa maingay na tambutso

Lalaki pinatay dahil sa maingay na tambutso

ISANG lalaki ang namatay dahil sa pagtatalo sa maingay na tambutso ng motorsiklo sa pagsalubong ng bagong taon sa Bgy. Puro, Magsingal, Ilocos Sur.

Kinilala ng mga otoridad ang biktima na si Bryan Tabucol, 28, mangingisda at ang suspek na si Jaime Manuel Jr., 33, laborer, parehong walang asawa at residente ng nasabing barangay.

Sa report ng Magsingal Police Station, ang suspek ay gumagawa ng ingay gamit ang kanyang motorsiklo na merong open muffler sa tapat ng kanilang bahay habang hinihintay ang pag hudyat ng bagong taon ng mangyari ang insidente.

Kinompronta umano ng biktima ang suspek at nauwi ito sa mainitang pagtatalo na sa bandang huli ay naawat din.

Makati City Pabakuna

Makalipas ang ilang sandali, ang biktima ay nagpunta sa lugar ng suspek at kinumpronta ito.

Nakabunot agad ng patalim ang suspek sabay unday sa biktima na nagtamo ng saksak sa sikmura.

Ang biktima ay agad isinugod sa Tolentino Clinic and Hospital, Santo Domingo, Ilocos Sur king saan kto idineklarang dead on arrival ni Dr. Benjamin Tolentino III.

Ang suspek ay naaresto agad ng mga rumespondeng mga tauhan ng Magsingal PS at narekober ang patalim na ginamit sa krimen.

Publication Source :    People's Tonight