Home>Entertainment>Showbiz>Maine hinahanap sa event ng mga Atayde

Maine hinahanap sa event ng mga Atayde

HANGGANG ngayon ay may mga tao pa ring hindi matanggap ang pagiging masaya ng  magkasintahang Maine Mendoza at Arjo Atayde.

Bilang kasintahan ni Arjo, si Maine ay tanggap na tanggap ng pamilya nito at patunay dito ang sama-samang dinner get-together ng pamilya Atayde nung nakaraang linggo.

Masaya si Maine kay Arjo, bakit hindi na lamang suportahan ng mga fans and supporters  ni Maine ang kanilang idolo kung talagang mahal nila ito?

Arjo is a good son, a good brother  and a good man bukod pa sa kanyang pagiging mahusay na actor.   Nagmamahalan sila ni Maine at pareho silang single so ano ang problema?

Ang mga tao namang positibo ang reaction sa pag-iibigan nina Maine at Arjo ay nagsusulong na sana’y magtambal umano ang dalawa sa isang pelikula.

Hinahanap nga si Maine sa pagbubukas ng second branch ng Sylvia Sanchez by Beautederm store na matatagpuan along Roces Avenue in Quezon City two Sundays ago.Wala ito roon kung saan naroon ang buong Atayde family, ang lady boss ng Beautederm na si Rhea Anicoche-Tan maging ang ilan sa 42 brand ambassadors ng produkto na pinangunahan nina Lorna Tolentino at Gabby Concepcion.

Publication Source :    People's Journal
Aster Amoyo
Talent manager, TV host, vlogger