Home>Entertainment>Showbiz>Julie Anne excited sa bagong leading man

Julie Anne excited sa bagong leading man

Julie Anne San Jose and David Licauco
Julie Anne San Jose and David Licauco

SA muli niyang pagsabak sa acting, masayang ibinahagi ng Asia’s Pop Diva na si Julie Anne San Jose ang kaniyang excitement sa magiging role sa upcoming series sa GMA News TV na ‘Heartful Cafe.’

Nakatakdang ipalabas ang nasabing serye sa 2021 at makakatambal ni Julie rito ang Kapuso actor na si David Licauco. Makakasama rin nila ang iba pang Kapuso stars kabilang na sina Zonia Mejia, Jamir Zabarte, Andre Paras, at marami pang iba.

Gaganap si Julie bilang si Heart Fulgencio, isang online romance novelist at coffee enthusiast na nagmamay-ari ng The Heartful Café, isang cozy coffee shop.

Sa nakaraan niyang interview sa 24 Oras, ikinuwento niya na excited na siyang maka-eksena si David, “I’m looking forward din sa mangyayari sa tapings namin and of course I’m also looking forward to working with new people. It’s a very light show. Sobrang ganda ng story and sobrang exciting. Dito rin namin malalaman kung ano ‘yung capability ng team-up namin ni David. I’m also looking forward kung ano ba ‘yung kayang mai-offer ng team up.”

GMA News personalities kinilala sa Gawad Filipino Awards

GMA News
GMA News

KINILALA ang ilang GMA News personalities bilang mga “Bayaning Pilipino” para sa kanilang serbisyo at pagtulong sa ating mga kababayan sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Sa larangan ng TV, pinangunahan ng 24 Oras anchor at Wish Ko Lang! host na si Vicky Morales ang mga tumanggap ng “Bayaning Pilipino Frontliners” award sa katatapos lang na 15th Gawad Filipino Awards. Kabilang din ang 24 Oras Weekend at Unang Balita anchor na si Ivan Mayrina sa mga nanalo sa awarding ceremonies na ginanap nitong Linggo, December 27. “Bayaning Pilipino Frontliners” din ang turing sa GMA News reporters na sina Mariz Umali at Saleema Refran.

Makati City Pabakuna

Pinarangalan din ang mga DZBB anchors na sina Joel Reyes Zobel at Ali Sotto ng “Bayaning Pilipino Frontliners” award para sa kanilang dedikasyon sa pagbibigay ng balita at impormasyon sa gitna ng pandemya. Kinilala namang “Hero Journalist of the Year” ang DZBB reporter na si Mark Makalalad.

Ken may sarili nang gasolinahan

Ken Chan
Ken Chan

LUBOS ang pasasalamat ng Kapuso actor na si Ken Chan sa blessings na kanyang natanggap ngayong 2020. Bukod sa kabi-kabilang proyekto, natupad ni Ken ang kanyang childhood dream na magkaroon ng sariling gasoline station. Bonus pa na hindi lang isa kundi limang gasoline stations ang naipatayo niya sa loob lamang ng tatlong buwan.

“Nasa isip ko siya noong bata pa lang ako. Sobrang blessed talaga ko ngayong 2021 and pati na rin 2020. Despite ng mga nangyari sa atin na pandemya, still, nagawa ko pa rin po na tuparin ‘yung pangarap ko na magkaroon ng gasoline station,” kwento ni Ken.

Samantala, mas magiging abala ang aktor sa 2021 sa pagsisimula ng taping ng pagbibidahan niyang upcoming GMA drama series na ‘Ang Dalawang Ikaw’ kung saan gaganap siya bilang isang lalaking may kalagayang tinatawag na dissociative identity disorder (DID).

Publication Source :    People's Journal
Eugene E. Asis
Founding Member: Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) / Entertainment Editor, People's Journal