Home>News>Metro>Lalaking ‘wanted’ sa Baguio, dinakip ng SMaRT sa Maynila
Metro

Lalaking ‘wanted’ sa Baguio, dinakip ng SMaRT sa Maynila

MPD-SMaRT Logo

DINAKIP ng mga tauhan ng Manila Police District -Special Mayor’s Reaction Team (MPD-SMaRT) ang isang 47- anyos na driver na wanted sa kasong reckless imprudence resulting in homicide and damage to property, kahapon ng umaga sa Sta. Ana, Maynila.

Nakadetine sa tanggapan ng SMaRT ang suspek na si Melquiades Briones, 47, ng 128B St.Therese St., Brgy. Cupang, Peñafrancia, Antipolo City.

Ang pag-aresto ay bunga ng koordinasyon ng Kennon Road Police Station 8, Baguio CPS sa pangunguna ni PMaj Jayson Eugenio kay SMaRT chief PMajor Edward Samonte.

Nabatid na ang suspek ay naaresto alas -5:10 ng umaga sa kahabaan ng Zobel Roxas St., Sta. Ana, Maynila matapos isilbi ang arrest warrant ina nisyu ni Presiding Judge Cecilia Corazon Sumcad Dulay- Archog, ng RTC First Judicial Region Branch 7, Baguio City Benguet na may petsang Hunyo 1,2022.

Inirekomenda ng korte ang P100,000 para sa pansamantalang kalayaan ng suspek na nakatakdang ibiyahe sa Baguio City para iprisinta sa korte.

Itchie G. Cabayan
DIRECT HIT entertains comments, suggestions or complaints. Please have them emailed to [email protected] or text 0917-3132168.