Home>Editorial>Miscellaneous>Mas pinaganda, mas pinasulit na Globe At Home Prepaid WiFi HomeSURF99
Miscellaneous

Mas pinaganda, mas pinasulit na Globe At Home Prepaid WiFi HomeSURF99

Patuloy ang pagtugon ng Globe At Home Prepaid Wifi sa pangangailangan ng matibay at abot-kaya na internet kabilang na dito ang kanilang mas pinalakas na HomeSURF99. Papatok ito habang ang bawat miyembro ng pamilya ay work-from-home, o nag aaral online sa bahay.

Nasa 15GB na ito at gagana ng hanggang limang araw!

Sa murang halaga na 99 pesos lang ay may 10GB na ng data para patuloy ang pag-aaral, pag-nenegosyo, o pag-gamit ng social media para sa buong pamilya. May additional pa na 5GB (1GB daily) data para magamit ang iba’t-ibang watch, learn, chat, at earn apps gaya ng YouTube, Google, Messenger, Shopee, GCash, at iba pa! Sulit na sulit mula kay nanay, tatay, ate, kuya, hanggang kay bunso!

“Ilan lang po ito sa mga inaalok naming solusyon para matulungan at mapaganda ang internet connectivity ng ating kapwa Pinoy ngayong pandemya. Making our Globe At Home products more accessible and affordable is part of our larger commitment to care for the masses and provide internet access for all,” sabi ni Darius Delgado, Globe Vice President at Head of Broadband Business.

Bukod sa abot-kayang halaga, abot-kaya rin ang pagpapa-load gamit ang Globe At Home app o kaya GCash app. Maaari ding puntahan ang pinakamalapit na suking Globe Store o tindahan para mag-reload ng HomeSURF99.

Mag-load na para ma-experience ang bigating data para sa pamilya mula sa Globe At Home Prepaid Wifi!

Kaya’t tuloy tuloy din ang pagpapatayo ng Globe ng mga cell site at pag-upgrade ng network nito para maatim ang tinatawag na #FirstWorldNetwork sa bansa. Lahat ito ay naka sentro sa pagpapaganda ng experiensya ng aming mga kustomer sa aming network. Layon ng Globe na itaguyod ang 10 United Nations Global Compact principles at 10 United Nations Sustainable Development Goals.

Journal Online
A collection of noteworthy information on various topics from the Philippines and the rest of the world.
https://journal.com.ph