KC tahimik tungkol kay Pierre

April 09, 2019
Masaya ang pamilya ni KC maging ang kanyang mga kaibigan at mga fans na muli nitong nakabalikan si Pierre. It was in August last year nang ipaalam ni KC via her Instagram ang pagkakabalikang muli nila ni Pierre by posting their sweet photos habang sila’y nasa bakasyon sa Europe. Ipinakilala na ni Pierre si KC sa kanyang pamilya sa France last September at nakilala naman ni Pierre ang family ni KC. Katunayan, dito pa sa Pilipinas nag-spend ng Christmas ang French businessman at filmmaker.