Home>News>Nation>DPWH exec Tan in hot water dahil sa kaso sa Ombudsman

DPWH exec Tan in hot water dahil sa kaso sa Ombudsman

MATAPOS maunang pabulaanan sa media inteviews ang mga paratang sa kanya, in hot water ang isang opisyal ng Department of Public Works and Highways dahil sa kasong isinampa laban sa kanya sa Office of the Ombudsman.Si Quezon Province Councilor Arkie Yulde ay naghain ng kasong graft and corruption laban kay DPWH Regional Director Ronnel Tan.

Si Yulde ay nagsusulong din na magkaroon ng malalim na lifestyle check kay Dir. Tan at sa kaniyang pamilya, kabilang na ang kaniyang maybahay na si Quezon Province District 4 Congresswoman Helen Tan.

Sinampahan ni Yulde si Tan ng patung-patong na reklamo noong Oktubre 2020, kabilang na dito ang grave misconduct, at paglabag sa RA 6713 o Code of Conduct & Ethical Standards of Public Officials and Employees, RA 3019 o ang Anti-Graft and Corrupt Practices Act, RA 7160 o ang Local Government Code.

Paulit-ulit na sinagot ng kampo ni Tan na walang katotohanan ang bintang at ito ay puro pulitika lamang, at hindi sila kailanman namudmod ng pera sa kahit anong pagtitipon na kanilang dinaluhan.

Makati City Pabakuna

Sa nasabing video, kitang-kita umano si Dir. Tan na isinasaboy sa ere ang hawak nitong bungkos-bungkos na pera, habang ang kaniyang mga bisita ay nagkukumahog na saluhin ang mga ito.

Nanawagan din si Yulde sa Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) na imbestigahan ang pamilya Tan, lalo na at isa si Cong. Helen Tan sa mga pinangalanan ni Pangulong Rodrigo Duterte na may mga kaso ng pangungurakot ayon na rin sa report na isinumite ng PACC.

Matatandaan na nadawit din si Cong. Tan na siyang chairperson ng Committee on Health sa Kamara sa isyu ng PhilHealth scam dahil sa pagbubulsa nila diumano ng pondo gamit ang interim reimbursement mechanism o IRM.

Nito lamang buwan ng Marso, nadawit na naman si Cong. Tan dahil sa kaniyang pagpapaturok ng COVID-19 vaccine, kahit na hindi siya frontliner at hindi kasama sa priority list ng IATF, at may direktiba na ang Kamara na hindi maaaring mauna ang mga Kongresistang mabakunahan sa mga maliliit na empleyado ng Kongreso.