Home>News>Metro>EDSA U-turn slots pinabubuksan

EDSA U-turn slots pinabubuksan

PINABUBUKSAN ni Quezon City Mayor Joy Belmonte sa Metro Manila Development Authority at Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang EDSA-Munoz Interchange at EDSA-West Avenue-North Avenue Interchange.

Hiniling din ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na buksan uli ang ilang key U-turn slots sa stretch ng EDSA para lumuwag ang traffic.

Kasunod ito ng kalbaryong dinaranas ng mga motorists na bumabaybay sa EDSA dahil sa pagsasara ng mga U-turn slots sa stretch ng EDSA.

Nilinaw naman ni Belmonte na bagamat suportado nya ang mga transportation program ng national government tulad ng EDSA Bus Carousel, “dapat na maging balanced ang lahat para hindi ma compromise ang welfare ng mga gumagamit ng EDSA.

Sa hiwalay na interview, sinabi ni Atty. Ariel Inton, founder ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) na “kung ibabalik ang U-turn slot sa EDSA dapat ay lahat.

Makati City Pabakuna

Sa ginawang pag-aaral ng isang transportation expert, kung sakaling buksan uli ng MMDA ang u-turn slot sa EDSA dapat ay lahat at hindi ilan lamang,” ani Inton.

Anya kung dalawa o tatlong U-turn slot lamang ang muling bubuksan, hindi ito magiging sagot sa traffic na dinaranas ngayon sa EDSA.

Ang magyayari baka lalo pang sumama ang traffic dahil magiging imbudo lamang ito.

Siyempre lahat ng mag U-turn pupunta lahat kung saan lang available ang U-turn slot,“ saad ni Inton.

Ayon kay Inton, dapat ay gumawa ng win-win solution ang MMDA at LTFRB para mabilis na maibsan ang kalbaryong traffic na dinaranas ng mga motorists araw araw.

Publication Source :    People's Tonight
Jun I. Legaspi
Reporter, People's Tonight