Home>Entertainment>Showbiz>Jake susunod sa yapak ni Erap
Showbiz

Jake susunod sa yapak ni Erap

Jake Ejercito and daughter Ellie
Jake Ejercito and daughter Ellie

MARAMI ang nagsasabi na ang 30-year-old actor-TV host na si Jake Ejercito ang isa sa mg anak ng dating Pangulo at mayor ng Maynila na si Joseph `Erap’ Estrada na may posibilidad na pumasok sa pulitika balang araw ngayong retired na ang kanyang ama.

Jake Ejercito and daughter Ellie
Jake Ejercito and daughter Ellie

Si Jake ay nagtapos ng Political Science sa Mary Queen University in London and took his master’s degree in Marketing sa Norththumbria University in Singapore with honors.

At first, Jake was considered a reluctant actor dahil mas binigyan nito ng priority ang kanyang studies hanggang ito’y nakapagtapos ng kanyang master’s in June 2018.

Jake Ejercito and daughter Ellie
Jake Ejercito and daughter Ellie

Turning 31 on March 27, 2021, mas ini-enjoy ngayon ni Jake ang pagiging ama sa kanyang 9-year-old daughter sa ex-girlfriend na si Andi Eigenmann na si Ellie (Adrianna Gabrielle Eigenmann) at pagiging one of the hosts ng Sunday musical show na “Sunday Noontime Live” na napapanood sa TV5 every Sunday lunch.

Unlike other young dads (Jake became a father at age 21), Jake is definitely a good father and provider kay Ellie who is co-parenting his daughter with Andi. Ito’y bihirang makita sa ibang guys who sired their children out of wedlock.

Gusto ni Jake na maging hands-on father kay Ellie laluna ngayon na tapos na siya sa kanyang pag-aaral sa ibang bansa. Katunayan, hindi priority sa ngayon ng actor-host ang pagkakaroon ng lovelife dahil mas naka-focus ang kanyang attention sa kanyang anak na in a couple of years ay isa nang ganap na teenager maging sa kanyang bagong career bilang actor at TV host.

Aga nag-enjoy sa ‘The Masked Singer’

MAGTATAPOS na sa darating na Sabado, December 26, 2020 at 7 p.m. ang unang season ng “Masked Singer Pilipinas” na jointly produced ng Viva and Cignal TV for TV5. The local musical franchise is hosted by singer-actor-TV host Billy Crawford kasama ang celebrity judges na sina Aga Muhlach, Cristine Reyes, Matteo Guidicelli at Kim Molina.

Tatlong mga kilalang professional singers-participants ang natitira na maglalaban-laban for the grand prize this Saturday evening na kahit ang host at mga judges ay walang clue kung sinu-sino ang mga ito.

Although magtatapos pa lamang ang 1st season ng “Masked Singer Pilipinas,” looking forward na sina Aga at mga kasama sa second season ng programa next year dahil sobra umano silang nag-enjoy at na-excite sa program na may local franchises (na nag-originate in South Korea) in over 40 countries throughout the world including USA, Canada, Australia, United Kingdom, Arab World, Austria, Azerbaijan, Belgium, Bulgaria, Cambodia, Czech Republic (Slovakia), Estonia, Finland, France, Germany, Greece, Hungary, Indonesia, Isarael, Italy, Latvia, Lithuania, Malaysia, Mexico, Myanmar, Netherlands, New Zealand, Norway, Peru, Philippines, Portugal, Romania, Spain, Russia, Sweden, Thailand, Ukrain, Vietnam at iba pa.

Bukod sa nag-enjoy sina Billy and the four celebrity judges sa “Masked Singer Pilipinas,” nakapag-bonding din ang lima. Inamin din ni Aga na sobra umano siyang napahanga ng kanyang mga kasama sa programa dahil sa ipinakita nilang enthusiasm and professionalism during the entire run ng programa.

Hindi naman ikinakaila ni Kim Molina na sobra umano siyang na-startstruck kay Aga na dati-rati’y pinanonood lamang niya sa TV when she was in Saudi Arabia.

Samantala, sa ikawalang season ng “Masked Singer Pilipinas,” gusto ni Aga na sana’y may ibang celebrities from various sectors tulad ng business, sports, politics and asctors ang sumali para may variety.

Direk John pumalit kay Direk Johnny

MARAMI ang pinahanga ng actor-director at entrepreneur na si John Prats dahil sa kanya ipinagkatiwala ng ABS-CBN management ang pagdidirek ng star-studded and non-stop 2020 Christmas special ng network.

Nasanay na kasi ang mga manonood na lahat ng major TV events and specials ng ABS-CBN ay ang veteran director na si Johnny Manahan ang nagdidirek nito. But he decided to move to Albie Benitez’s Sunday noontime show na “Sunday Noontime Live” kung saan magkakasama sina Piolo Pascual, Maja Salvador, Catriona Gray at Jake Ejercito as hosts.

Sa rami ng stars and talents ng ABS-CBN, hindi napansin ang pagkawala ng ilang (dating) mga Kapamilya sa most recent Christmas special ng Kapamilya channel tulad nina Piolo, Maja, Alex Gonzaga, Dimples Romana, Beauty Gonzales, Sue Ramirez, Donny Pangilinan, Wacky Kiray at iba pa na napapanood na ngayon sa mga programang produced ng Brightlight Productions ni Albie Benitez na napapanood naman sa TV5.

Naniniwala ang maraming (natirang) mga Kapamilya stars and talents na sisikat din ang liwanag sa kabila ng maraming pinagdaanan ng TV network sa taong kasalukuyan.

Meanwhile, kudos to Direk John Prats for a job well done.

Zanjoe hiwalay na sa Pinay-Australian GF?

MUKHANG hiwalay na rin ang ex-PBB housemate-turned actor na si Zanjoe Marudo sa kanyang Filipino-Australian (ex) girlfriend model-surfer na naka-base sa Siargao (just like actress Andi Eigenmann) na si Josie Prendergast, 16 years the actor’s junior. Sa isang post, nakita si Josie na may ibang foreigner guy na kasama sa halip na si Zanjoe pero hindi nagsasalita tungkol dito ang actor.

Zanjoe was in a long relationship with his ex-girlfriend actress, Bea Alonzo but the actor admitted their break-up in his January 20, 2016 guesting sa programa ng King of Talk na si Boy Abunda, ang “Tonight with Boy Abunda”.

Lately naman ay nali-link ang actor sa kanyang co-star sa “Walang Hanggang Paalam” na si Angelica Panganiban pero agad itong pinabulaanan ito ng actor na nagsabing sila’y magkaibigan lamang.

There was also a time na na-link din siya sa kanyang co-star sa “Dream Dad” na si Bella Padilla na hindi rin totoo liban sa kanilang pagiging magkaibigan lamang.

At 38, mukhang hindi pa natatagpuan ni Zanjoe ang makakatuwang niya sa buhay.

Subscribe and share “TicTalk with Aster Amoyo” on YouTube and follow me on Instagram and Facebook @asteramoyo and Twitter:@aster_amoyo.