Home>News>Nation>PRRD pinagbunyi sa no mandatory PMVIC

PRRD pinagbunyi sa no mandatory PMVIC

TAOS sa puso ang aming pasasalamat sa ating mahal na President Rodrigo Roa Duterte!

Tama si Presidente Duterte.” Ito ang nasambit ni Atty. Ariel Inton, founder ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) matapos ilabas ng Malacanang ang balita na hindi na mandatory ang Private Motorists Vehicle Inspection Center (PMVIC).

Sinabi pa sa interview ni Inton na taos sa puso ang kanilang “pasasalamat sa mahal na Pangulong Duterte.

Thank you. Nakikinig sila sa damdamin ng motoristang Pilipino. Salamat sa mga officials na nanindigan, senators at iba pang mga officials,” saad ni Inton.

Makati City Pabakuna

Matatandaan na noong unang quarter ng 2021, hiniling ng LCSP sa pangunguna ni Inton sa Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Office (LTO) na huwag na munang ituloy ang programang ito dahil wala sa panahon at maraming problema, bukod pa sa problem sa pandemic COVID-19.

Kasabay nito, nagsampa rin ng demanda ang ilang grupo ng mga Private Emission Testing Center (PETC) sa pangunguna ng grupong Clear Air Movement of the Philippines, Inc. (CAMPI) para ipatigil ang nasabing programa.

Ayon sa grupo ng mga PETC, kahit walang matibay na dahilan ay sinuspindi at kinansela ang kanilang mga accreditation para hindi na makapa operate pa.Ayon sa grupo ito ay para bigyan daan ang PMVIC.

Kaugnay nito, hiniling pa rin ni Inton na magsagawa din ng investigation ang Senate at Congress kung bakit hindi natuloy ang paggawa ng Motor Vehicle Inspection Center kahit na naglaan dito ng daang milyong pondo.

Publication Source :    People's Tonight
Jun I. Legaspi
Reporter, People's Tonight