Home>Editorial>Opinion>Thank you, Senators Bong Go, Joel Villanueva and NPC Prexy Paul Gutierrez!

Thank you, Senators Bong Go, Joel Villanueva and NPC Prexy Paul Gutierrez!

WALANG duda kung gaano kahalaga ang papel ng mga mamamahayag ngayong panahon ng pandemya!

Tulad ng ibang frontliners, importante ang kanilang trabaho dahil sa kanila nagmumula ang lahat ng impormasyon patungkol sa pakikidigma sa COVID-19.

Katunayan, isa ang media sa natatanging propesyon na walang bakasyon — umulan, umaraw, bumagyo, lumindol, maging sa mga giyera ay talaga namang kailangan ang kanilang trabaho makapaghatid lamang ng balita sa publiko.

Kaya ngayon pa lang ay sinasaluduhan na natin sina Senador Christopher ‘Bong’ Go at Senador Joel Villanueva sa pagsusulong na maisama ang mga kagawad ng media sa ‘priority vaccination list’ laban sa COVID 19.

Dahil sa pangungulit ni Go, nagdesisyon din sa wakas ang national government na isama ang media workers sa listahan ng essential sectors na bibigyang prayoridad sa COVID-19 vaccination.

Nagpapasalamat po tayo sa national government dahil dininig nila ang ating apela na isama ang mga miyembro ng media sa priority list para sa bakuna laban sa COVID-19,” pahayag ni Go.

Isinusulat ko ito’y isinasapinal na ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang patakaran na maisama ang media workers, partikular ang news outlets para sa A4 group.

Ang media ay napakaimportanteng sektor at maituturing ding essential workers dahil sa tungkulin na kanilang ginagampanan. Sila ang nagdadala ng balita at kasangga natin sila sa pagbibigay ng tamang impormasyon sa publiko,” paliwanag ni Go.

Sa araw-araw nilang coverage, palagi silang exposed sa banta ng COVID-19. Kaya dapat lang na maproteksyunan agad sila ng bakuna,” dagdag pa nito.

Una na ring sinabi ni Testing C’zar Secretary Vince Dizon na kasama na ang mediamen sa A4 group na mga essential workers na may “high levels of interaction with or exposure to the public” at economic sectors na kailangan para sa security, consumers at worker safety.

Dapat po ang media ay bigyan din ng prayoridad ‘pag andyan na ang safe at epektibong vaccine para tuluy-tuloy din po ang inyong pagtatrabaho, pagko-cover at pagdadala ng balita sa ating mga kababayan,” diin naman ni Go.

Makati City Pabakuna

Saludo po tayo sa kagitingan ng lahat ng frontliners. Bukod sa mga medical at uniformed personnel, kilalanin din natin ang serbisyo at sakripisyo ng iba pang mga ordinaryong manggagawa, tulad ng media, na nakikipagbayanihan sa laban na ito,” dagdag pa ng senador.

Iginiit naman ni Villanueva na sa panahon ng pandemya, mahalaga ang tamang impormasyon na tanging ang media workers ang nakapagbibigay sa madla.

Press freedom and timely access to truthful information are a must in times of pandemic. Media should be included in the A4 list. #FreePress #EssentialWorkers #MediaIsEssential,” diin pa ni Villanueva.

Maging ang iba pang hanay na nangangalaga sa kapakanan ng mga mamamahayag ay iisa rin ang galaw upang maisama sa prayoridad ang bawat mediamen.

Katunayan ay sumulat na rin sina Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) Executive Director Joel Egco at Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar sa IATF upang hilinging maisama ang media workers sa A4 priority group.

Media workers have risked their lives in order to bring the latest news and information to the Filipino people about the virus and its effects. However, as part of the so-called frontliners, they are inevitably exposed to health risks and hazards while they are fulfilling their duty to bring the news to the people,” pahayag ng dalawang opisyal sa kanilang sulat.

Nakarating din sa atin ang impormasyon na ang National Press Club (NPC) ay nag-oorganisa na rin ng vaccination procedures para sa mga kagawad ng media.

Saklaw ng vaccination program ng NPC ang lahat ng mediamen, miyembro man o hindi ng organisasyon.

Sa galing, husay, talino at dedikasyon sa trabaho ni NPC President Paul Gutierrez, alam kong maipatutupad ito ng maayos na muling gagawa ng kasaysayan sa pinakamatanda’t pinakaorganisadong samahan ng pamamahayag sa buong Pilipinas.

Umaasa tayong sa mga susunod na araw ay makahihinga rin ng maluwag ang mga kasamahan natin sa pamamahayag dahil sa nalalapit na pagbibigay ng bakuna.

Muli, salamat ng marami Senators Bong Go, Joel Villanueva, Secretary Vince Dizon, Sec. Martin Andanar, USec Joel Egco, NPC President Paul Guitterez at sa buong IATF!

Publication Source :    People's Tonight
Marlon Purificacion
Journalist At Large