Home>News>Metro>2 obrero nalaglag sa construction site, dedo

2 obrero nalaglag sa construction site, dedo

DALAWANG construction worker ang nasawi habang malubha ang isa nilang kasamahan nang mahulog habang hinihila ang bloke pataas sa ginagawang gusali sa Quezon City, Lunes ng umaga.

Idineklarang dead-on-arrival sa ospital ang mga biktimang sina Arnel Kapistrano Esquitado at Rex Laorio Dela Rosa, habang patuloy na inoobserbahan sa East Avenue Medical Center ang sugatan na si Richard Balatukan Gregorio.

Sa inisyal na report sa Quezon City Police District (QCPD) La Loma Police Station 1, bandang 10:30 a.m. (November 23) nang maganap ang aksidente sa construction site na matatagpuan sa kanto ng Calamba St., at Sto Domingo, Bgy. Sto Domingo.

Makati City Pabakuna

Sa pahayag ng kasamahan na si Zaldy Reyes, hinihila ng mga biktima ang ‘chinblock’ o bloke na may 12 metro ang taas nang na-dislocate ang ‘metal boom’ at aksidenteng nalaglag.

Agad namang isinugod sa East Avenue Medical Center kung saan idineklarang patay sina Esquitado at Dela Rosa, sanhi ng grabeng pinsala sa ulo at katawan, ayon sa attending physician na nakilalang Dr. Manzo.

Publication Source :    People's Tonight