Ai Ai lucky charm ni direk Louie

May 27, 2019
Louie Ignacio

UP to June 2 ang latest painting exhibit ni Direk Louie Ignacio sa The Crucible gallery sa SM Megamall titled Heaven and Earth.

Nakamamangha ang ganda ng paintings at sculptures na mixed media. Isang taon ang ginugol ni Direk Louie para gawin ang mga paintings at sculptures na almost sold out na.

Kapag hindi busy sa taping or directing live shows, pagpipinta ang pinagkakaabalahan ni Direk Louie. Nang magpagawa siya ng rest house sa Pagsanjan, tiniyak niya may isang kuwarto siya kung saan pwede siyang magpinta. Kapag ’di pa siya inaantok sa gabi, asahan mong may hawak itong paint brush at magpipinta hanggang umaga.

Kabilang sa mga nag-cut ng ribbon sa opening ng kanyang Heaven and Earth exhibit sa The Crucible ay si Ai Ai delas Alas.

Favorite actress ni  Direk Louie si Ai Ai. Feeling niya may hatid itong swerte sa kanya sa tuwing sila ay nagkakasama sa pelikula.

Wagi ng international awards ang Area at School Service kung saan si Ai Ai ang lead actress niya.

Nominado si Ai Ai sa darating na Gawad Urian for School Service na nagbigay sa kanya ng Best Actress award sa Cinemalaya last year